Sam: Magaling akong sumipsip dahil dila ang gamit ko!


THE best ang isinigaw ni Eugene Domingo pagkatapos sipsipin ni Sam Milby ang kanyang hita sa isang eksena nila sa “Kimmy Dora, Ang Kyemeng Prequel” sa direksyon ni Chris Martinez.

Kaya naman when we had our chance na makausap si Sam ay tinanong namin sa kanya kung ano ba ang ginawa niya sa eksena nila ni Uge at napasigaw ang award-winning actress ng ‘the best.’

“Siguro the best dahil ang gamit ko dila ko…sa pagsisipsip,” kasunod ang malakas na tawa ni Sam. “E, syempre nandoon ako sa eksena, kailangang sipsipin ‘to, lason.

Sinipsip ko pero hindi naman through my tongue. As in, konting gamit-gamit lang ng dila for the sipsip sa hita.” True raw talaga na sinipsip niya ang hita ni Uge at para raw makita namin kailangang panoorin namin ang “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel,” dahil sa eksenang ‘yun na-realize tuloy ni Sam na mahusay pala siyang sumipsip.

“Apparently, mahusay pala akong sumipsip,” napangising sabi ni Sam. “Thank you Miss Eugene Domingo for the compliment. Actually, dapat, kasi sabi niya best kisser.

Pero hindi naman kiss, e, sipsip ‘yan. Ako ang pinakamagaling na sumipsip. I’m the best sucker.” May humirit ng tanong kay Sam kung kailan ang last time he did the same thing off-cam, “Kahit naalaala ko parang ang weird kung sasabihin ko, ‘Eto, eto ang babae.

Ganito ang nangyari sa amin.’ Parang ang pangit naman sabihin. Huwag na lang. Pagdating sa, lalo na sa mga sexual encounters parang ang pangit naman i-share. Ha-hahaha!”

Isa sa official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival ang “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel.” This is the first time na may movie si Sam for the December filmfest, “I feel very blessed,” bulalas niya.

And who knows, he may win the Best Actor award sa filmfest, ‘di ba? “I don’t expect anything at that sort at all.” Anyway, ngayong Kapaskuhan may maganda siyang wish, “Sa lahat ng nangyari above all the tragedies, above all the losses, everything, sana kahit paaano everyone will be happy and enjoy Christmas.

Kasi it’s been a rough year, a rough season lalo na sa Pilipinas and ‘yung pinagdaanan ng mga kababayan natin, it’s been very rough. So, sana tulung-tulong at magkasama sila kahit na sa mga good friend para masaya.”

Samantala, nabanggit din namin kay Sam ang pagkamatay sa loob ng sasakyan ng singgwapo rin niyang aktor sa US na si Paul Walker. Knows naman natin na mahilig magmotor at mag-perform ng mga death-defying stunts si Sam na takaw aksidente rin.

Sa nangyaring aksidente kay Paul, curious kaming malaman from him kung naisip ba niyang itigil na ang pagmo-motorcross.
“I still have no plans of stopping motorcross.

E, nangyayari talaga ang ganitong aksidente whether beyond the track. You’ll never know when your time is gonna happen. You just enjoy life while you have it, and this is a freak accident.

I mean,  no one expected na mangyayari ‘to, ‘di ba?” depensa niya.

( Photo credit to Google )

Read more...