Mga fans ni Maricel iboboykot ang entry ni Vice Ganda sa MMFF 2013


NAGPAHAYAG ng damdamin ang box-office director na si Wenn Deramas sa balitang ibo-boycott diumano ng fans ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang pelikula nila ni Vice Ganda, ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” showing on Dec. 25.

“Nu’ng nakita ko ‘yun, nainis ako. Kasi para sabihin na ibo-boycott ang pelikula ni Maricel Soriano, fan ka ba talaga? O, kung hindi mo nagustuhan ang ano, mag-react ka, ‘Mali ang billing.’ Pero hindi mo ibo-boycott. Kasi, bakit? Dahil sa poster?

“E, naghirap si Maricel Soraino dito bukod sa akin. Naghirap din si Vice Ganda at lahat ng mga gumanap. Naghirap si Maricel Soriano dito. Gigising ng maaga, magtatrabaho ng todo, ibo-boycott mo?

Fan ka ba talaga, ‘di ba? Bakit mo parurusahan si Maricel? E, kung ganoon pala, e, kung sabihin ng producer, ‘Ah, ganyan ang fans niya? Huwag nating kunin.’ Sino ang nasapol ng lahat ng ito?

Ako ba? Si Vice ba?  Maricel Soriano,” bulalas ni Direk Wenn. Ni hindi raw nila pinag-usapan ni Maricel ang tungkol sa billing niya sa pelikula.

“Kasi naniniwala kaming hindi namin pareho trabaho ‘yun, e. Inaprubahan ng manager niya ang lay-out, hindi namin kasalanan. Ginawa ng Star Cinema ang respetong pagkagawa nila ng layout at ipakita sa mga manager and they approved,” diin niya.

Kita naman sa trailer ng “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ang hirap na ginawa ni Direk Wenn at ng mga artista sa pelikula especially ang bida na si Vice.

At dahil apat na characters ang ginagampanan ni Vice sa movie,  four times din kaya ang kita sa takilya ng pelikula?
“E, bakit naman hindi pwede i-times 10? Nandoon ka lang sa four,” birong sagot niya sa amin.

“E, may  Maricel Soriano, may Joey Marquez, may Ruffa Gutierez, may JC de Vera, may Ejay Falcon, may Wenn Deramas.”
Pagkatapos maospital ni Direk Wenn kamakailan, mas na-appreciate raw niya talaga ngayon ang buhay, “Uhm, saka ang mga anak ko.

Tapos nakasuporta pa diyan ang lovelife ko, alam ninyo ‘yang dalawa,” sabay turo sa amin ng co-writer na si Eddie Littlefield na katabi ni Direk Wenn.

Personal naming nakilala ang non-showbiz guy na boyfriend ngayon ni Direk Wenn noong birthday niya.  “Na-appreciate ko lahat kasama lang ‘yung lovelife.

Kasi ‘di ba, minsan kasi nakalimutan ko na kaya ako nagtatrabaho ay para mabuhay. Ang akala ko dati ‘yung buhay ko ang trabaho. Maling-mali.

So, ngayon kaya ako nagtatrabaho para may pangtulong ka, may pangtustos ka, may panggastos ka para mabuhay. At ‘yun ngayon ang ginagawa ko.

Inaalagaan ko ngayon ang sarili ko. Ang ganda-ganda ko ngayon,” masayang sabi ni Direk Wenn.Na-touch naman kami sa Christmas wish ni Direk Wenn, “Ito walang kaplastikan, ha.

Bukod doon sa aking, kasi sa akin ‘yung wish ko naman kaya ko mapatupad, e.  Like ‘yung kumita ang pelikula, mag-rate ang TV shows, ah, good  health, ‘yung ganoon, e. Ako ang tatrabaho noon, e.

Pero doon sa mga hindi kaya, sana makabangon. Sana ‘yung mga nasalanta makabangon. Sincere po ‘to. Sana man lang ay meron akong chance na bukod sa nagdadala ng mga pagkain doon, ng tubig, ng kumot, sana  makadala ako ng pelikula ko doon.

“Dahil naniniwala ako na mapapatawa ko sila kahit two hours lang. Sana makadala ako ng projector doon sa kanila. Sana makadala ako ng white na cloth tapos  iipunin ko sila at manonod sila ng pelikula ko.”

Napag-usapan daw nila ni Vice na pupunta sila sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan. Pero hindi pa raw nila alam kung kailan.

“Sabi ko, ‘Vice, ang isang pelikula mo, dalawang  oras ‘yan, non-stop ang tawa. Kung magdadala tayo ng dalawa hanggang tatlong pelikula mo na dire-diretso, baka ang gagawin na lang nila ay kumain at matulog.

Kasi tumawa na sila ng maraming oras. Kasi ‘di ba iba ang tawa, e. Dream talaga naming dalawa ‘yun. Sana lang magawa namin.” After ng MMFF, rest muna si Direk Wenn at sa susunod na taon na siya gagawa ulit ng pelikula.

( Photo credit to Google )

Read more...