‘Nakakaloka ang kahambugan nina Vice at Kris!’

LAGPAS sa 9th Cloud kung umasta ang mag-best friends na Kris Aquino at Vice Ganda tuwing sila ay magpahayag ng anything sa entertainment media. Lagi nilang pinapupurihan ang kanilang mga sarili – hindi sila magakapaghintay na ibang tao ang mag-angat sa kanila.

Iyan ang kapansin-pansin sa magkaibigang ito, siguro ipinanganak na silang ganoon talaga ang nature. Ha-hahaha! That’s what you call being CONCEITED!

Mula nang sumikat si Vice Ganda sa showbiz, ang laki na talaga ng ipinagbago niya and natural lang naman iyan sa mga taong sumisikat at yumayaman.

Kaya lang, some of his friends tell us na naging snub na raw si Vice sa kanila. Pero sa amin, parang ganoon pa rin naman siya. Everytime na nakakasalubong namin ito, bumabati naman at parang wala namang nabago sa pakikitungo niya sa amin.

“Kasi nga press kayo kaya nag-iingat siya. Pero sa amin, wala na. Hindi na namamansin iyan. Iniisip na lang naming baka busy lang siya or baka tulog.

Kaya we stopped texting him. Pati shows niya tinamad na kaming panoorin. Ganyan naman ang mga iyan eh, pag bago pa lang, nanghihingi ng suporta pero pag narating na ang tugatog, waley ka na,” sentimyento ng isang dating kakilala ni Vice.

“In fairness naman sa kaniya, kahit magkaiba na kami ng bars na pinagtatrabahuan, siya kasi sa Punchline and Laffline while ako ay sa Zirkoh and Klownz na direct competitor nila, nagkakausap pa rin naman kami.

Naglolokahan sa text at minsan ay nagkikita. Masaya pa rin naman kami ni Vice, wala naman kaming nakikitang sobrang pagbabago ng ugali niya,,” pagtatanggol ni Arnell Tamayo, isa ring stand-up comic.

Kaya baka ganoon daw si Vice Ganda sa mga nagsasabing nagbago na siya dahil hindi sila talaga ganoon ka-close before. Pero hayaan na. Meron talagang natutuwa at meron ding hindi.

Kay Kris Aquino naman, it has always been a given na ang babaeng ito ay perfect endorser ng “I, ME, MYSELF”. Masyadong self-centered since time immemorial, di ba? Hindi na bago sa atin iyan.

Palagi siyang ang PINAKA (feeling maganda, magaling, matalino, mayaman) and she’s very vocal about such noon pa man.
Hindi naman natin itinatangging magaling talaga siyang mag-host except for her kayabangan as she involves herself in some situations, yung pagiging maganda ay debatable pa dahil for us, she’s not pretty without make-up.

Hindi pang-artista ang mukha niya pag wala siyang kolorete sa mukha, mahusay ang make-up artists niya dahil without make-up Intsik na Intsik si Kris.

Pero dahil magagaling ang make-up artists niya (and mahal ang bayad sa kanila ha!) ay nasu-sustain niya ang Kris Aquino look na napapanood natin.

And her body is unproportioned for her to boast na sexy siya. Ha-hahaha! Kaya lang, how do we argue with a presidential sister na ilang beses nangakong magri-retire na sa showbiz pero hindi naman ginawa, even for delicadeza’s sake, di ba?

In fact, mas lalo pang dumami ang projects niya. Spoiled talaga siya sa showbiz kasi nga they have the control of the industry. Pati endorsements ay wala siyang pinaligtas – kanya na lahat.

From shampoo to soap to real estate to ice cream to noodles to corned beef to sardines to slippers to, everything except na lang for feminine wash and things related.

Kasi nga naiskandalo na siya before tungkol dito kaya nahiya naman siya siguro. Pero, di ba – konting delicadeza na lang sana, hindi dapat nagagamit ang posisyon nila sa pamahalaan for her to have them all.

What is noticeable naman sa kanilang dalawa ng best friend niyang si Vice Ganda – grabe ang hangin nila kung minsan. Tulad nitong nalalapit na MMFF kung saan pareho silang may entries, Vice Ganda has “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” while Kris is part of “My Little Bossings” with Vic Sotto and her son Bimby with Ryzza Mae Dizon and co-produced din niya ito – hindi sila makapaghintay na ang taumbayan na lang ang magsasabing makokopo nila ang first two slots sa box-office.

Pareho nilang kini-claim na magna-number one sila and mukhang ayaw mag-settle ng isa sa kanila na mag-number two sa takilya. Kahit pabiro iyon, napaghahalata sila sa kayabangan nila. Na parang sila lang ang may entries.

Aware naman tayong grabe ang control nila sa market (Dios mio, utusan lang muli ng administrasyong ito ang mga public servants na mag-sponsor sa pelikula ni Kris eh siguradong topgrosser na naman sila, ‘no!), sila lang ang may kapasidad na mag-promote ng kanilang mga pelikula nang todo dahil they have respective TV shows and merong freedom to promote extensively. Kasi nga, prime artists sila ng ABS-CBN.

Yung ibang entries don’t have so much money to promote at kung meron man, di naman makakapili nang mabuti ng timeslots na paglalagyan ng spots.

Priority nila siyempre ang movies nila Kris and Vice. Si Kris pa! Hindi naman papayag na sa walang kuwentang spots mapupunta ang kaniyang advertisements. Baka malintikan sila, ‘no!

Pero malay ninyo,  sa panahong ito kung saan very unpopular ang pamahalaang Aquino, may tulog daw ang pelikula ni Kris. Buko na raw kasi ng mga tao na nagagamit lang sila para sa kanilang pam-personal na interest. Tingnan nga natin.

( Photo credit to Google )

Read more...