Yayaman sa pagsisikap (2)

Sulat mula kay O.N., ng San Dionisio, Iloilo
Problema:
1.      Mas lalong naghirap ang buhay ko nang ako’y mag-asawa.  Hindi pala totoo na ang pag-aasawa ay paglagay sa buhay na tahimik.  Hindi pala tahimik ang buhay kapag wala kang pera.  Mabuti pa noong dalaga pa ako.  Maganda ang buhay ko noon sa aking mga magulang.
2. Ngayon ay naglulugaw na kami.  Hindi na nagkakasya sa amin ang kinikita ng asawa ko.  Maliit lang kasi ang kinikita niya sa bukid. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Apat lang ang aming anak.  Sana mabigyan mo kami ng paraan kung paano makaaahon sa hirap alang-alang man lang sa aming mga anak.
Umaasa,
O.N., ng San Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 1.) ang nagsasabing ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan upang makaahon kayo sa kahirapan, at magagawa mo kung tulad ng nasabi sa Palmistry at Cartomancy, mag-aplay ka sa abroad!
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing lakas ng loob ang formula upang makaahon sa kahirapan, kung sa susunod na taon ay mag-aplay ka na sa abroad, sa nasabi ding taon, makakalipad ka patungong ibang bansa.
Luscher Color Test:
Ang isa pang formula upang makaahon kayo sa kahirapan, sa pag-aaplay sa abroad at gayon din kapag nasa abroad ka na, lagi kang magsuot ng kulay na dilaw at pula. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, gagaan ang pasok ng pera, uunlad ka at yayaman.
Huling payo at paalala:
O.N., kapag nagawa mo ang simpleng rekomendasyon sa itaas, ang pag-aaplay sa abroad at pagsusuot ng suwerte mong kulay, magugulat ka sa magiging resulta, ayon sa iyong kapalaran sa susunod na taon, makapag-aabroad ka at sa sandaling nasa ibayong dagat ka na, magiging mabilis  ang inyong pag-asenso, ang pag-ahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang yumaman.

Read more...