HOROSCOPE, December 08, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Wag ubusin ang pera sa alak at  blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, maghanda ng maraming pera para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 1, 7,  28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel”. Yellow at blue ang buenas. 
Aries – (Marso 21-April 19) –Mawawala ang negatibong pakiramdam kung itutuon ang isipan sa ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Isang tapat at mabuting Sagittarius ang darating. Sa pinansyal, ang pinaka-epektibo paring paraan upang umunlad ay ang mag-ipon. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa araw na ito at sa susunod na mga araw ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon handog ng isang Virgo. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 12, 23, 36, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Purple at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Kaunting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong sayo ng kasuyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 1, 5, 15, 27,  41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Tanggapin lang ng tanggapin ang anomang negatibong sitwasyon. Tandaang “ang lahat  ay lilipas din!” Sa pagpasok ng taong 2014 kusa ng magbabago ang takbo ng kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.”  White at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Sa pinansiyal, hindi awa ang dapat, kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Orange at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – May darating na bagong kakilala, na makakasama sa panibagong yugto ng buhay. Siguraduhing siya ay isang Taurus  upang tuloy-tuloy ka ng lumigaya at umunlad. Mapalada ang 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Orange at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa simpleng buhay mas magiging maganda ang kapalaran. Iwasan ang maluhong pamumuhay.  Yayain ang kasuyo sa ilalim ng malaking punong kahoy, hawak kamay nyong pagmasdan ang paglubog ng araw.  Mapalad ang 7, 16, 24, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)  – Lalo mo pang palawakin ang iyong mundo. Habang dumadami ang kaibigan mas lalago ang oportyunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kang kakilala mas makapamimili ka ng may busilak na puso. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Cream at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)   – Masyadong mataas ang iyong ambisyon. Hindi masama basta magsumikap at wag sumuko sa anumang hirap na pagdaraanan. Darating ang araw isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap.  Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Leo.  Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at gold  ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)  – Sa panahon ngayong maraming gumugulo sa iyong isipan, wala kang dapat pagkatiwaan kundi si Lord upang magkaroon ng peace of mind. Sa pag-ibig mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Blue at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)  – Wag sumuko hangga’t hindi nakakamit ang pinaka-dulo ng minimithi – ang yumaman. Sa pag-ibig, wag hiwalayan ang kasuyo, upang makamasa mo siya sa isang malaking tagumpay. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)   – Sa paskong darating wag maghanap ng ligaya kung saan-saan, nasa sariling tahanan ang ligaya. Mahalin ng lubos ang inyong pamilya. Sa ganyang paraan bukod sa ligaya kusang darating ang suwerte at maraming pera. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

j$XTY”ib7^f,h/K

Read more...