Anne, John Lloyd pinag-ayos ng Viva at ABS-CBN; inilibing na ang ‘Sampalan Scandal’

NAGKAUSAP na raw sina Anne Curtis at John Lloyd Cruz. Balitang masinsinang nagpalitan ng paliwanag ang dalawang Kapamilya stars para tuluyan nang tuldukan ang iskandalong kinasangkutan nila na nangyari sa isang sosyal na bar sa The Fort.

Ayon sa mga usap-usapan, mismong mga bossing ng ABS-CBN ang gumawa ng paraan para mapagtagpo ang dalawa. In fairness naman kasi, matagal na ring magkaibigan sina John Lloyd at Anne kaya hindi naging mahirap para sila’y magkita at makapag-usap.

Ayon pa sa chika, huwag nang asahan ng publiko na magsasalita pa ang dalawang ABS-CBN stars tungkol sa issue dahil napagkasunduan din nila na tuluyan nang ibaon sa limot ang kontrobersiyal na sampalan at sigawan sa nasabing bar.

Siyempre, dahil sa naganap na paliwanagan sa pagitan nina Lloydie a Anne, naging happy naman ang kanilang mga kaibigan na ang dasal din naman simula pa noong sumabog ang kontrobersiya ay ang magkabati rin ang magkaibigan.

In fairness uli, wala ni isa sa nga kaibigan ng dalawang Kapamilya stars ang nagtangkang kumampi sa sinuman sa kanila dahil kung hindi, baka nahirapan pang ayusin nina Anne at John Lloyd ang problema.

( Photo credit to Google )

Read more...