Vice: Naiinis lang ako sa sobra-sobrang paghuhusga, humingi na ng tawad, di ba?’

Samantala, tinanong si Vice kung ano ang payo niya sa kaibigang si Anne Curtis na nasa gitna ngayon ng iskandalo dahil sa kalasingan at pananampal sa ilang tao, “Sabi ko masakit ‘yan, sobrang hirap ‘yan.

Sobrang bigat, sobrang stressful, masakit sa ulo. Wala ka nang magagawa.” Noong Dis. 2 ay nakabakasyon si Vice dahil masama ang pakiramdam at walang boses, pero ng mapanood daw niya si Anne na tila wala sa sarili at pinipilit lang ngumiti dahil sa mabigat nitong dinaramdaman ay naisip niya na, “I need to be there for a friend,” aniya.

“Kahit hindi niya sabihin, alam natin na nasasaktan yung tao. Alam na alam ko yung pakiramdam na ‘yan, kasi nanggaling na din ako diyan.

“Sa mga panghuhusga na ibinigay sa akin, sa mga nabasa na sobra-sobra tungkol sa akin. Lalo na kung babae ka, malambot ka at hindi ka sanay sa ganyan.

Alam ko kung gaano kasakit ‘yan kaya sabi ko, ‘I have to be here for you,” paliwanag ng bida ng “Girl, Boy, Bakla, Tomboy.”
Ang payo ni Vice kay Anne, “Ang dapat niyang gawin ay magtrabaho siya, habang nalilibang siya, kumikita siya.

Keep yourself busy and gawin mo ang trabahong ibinigay sa iyo. Huwag mong i-prioritize ‘yung sakit, kasi hindi ko naman puwedeng sabihin na huwag niyang ramdamin kasi mararamdaman niya yun.”

Tinanong naman namin si Vice kung nagalit o nairita siya sa mga taong nambastos kay Anne bilang malapit sa kanya? “Hindi ako nainis sa kahit kanino man.

Kung meron akong kinaiinisan ngayon ay yung sobra-sobra namang panghuhusga. Ako, alam kong nagkamali si Anne Curtis. At si Anne Curtis naman ay alam niyang nagkamali siya, aminado siya, kaya nga humingi na nga ng tawad.

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi natin mapipigilan ang publiko kung ano ang gusto nilang sabihin, pero tatagan mo na lang ang loob mo,” aniya pa.

Samantala, bilib si Vice kay Anne dahil, “Pinipilit niyang huwag magbasa ng Twitter, pinipilit niyang magtrabaho nang matiwasay. Nakikita n’yo naman na pumapasok pa rin sa Showtime.

Although naapektuhan siya, pinipilit niyang maging professional sa lahat. I think she’s doing a good job na buo pa rin siya,” aniya pa.

Samantala, showing na ang “Girl Boy, Bakla, Tomboy” sa Dis. 25 mula sa direksyon ni Wenn Deramas under Star Cinema at Viva Films.

( Photo credit to Google )

Read more...