Kris asar-talo kay Vice, ‘ilalampaso’ raw sa MMFF 2013

BAGAMAT expected na ni Kris Aquino na ang pelikula ni Vice Ganda na “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ang mangunguna sa box-office sa nalalapit na 39th Metro Manila Film Festival ay naiinis pa rin siya kapag inaasar siya ng gay comedian.

Kuwento ni Vice sa one-on-one interview sa kanya pagkatapos ng presscon ng “Girl, Boy, Bakla, Tomboy”, “Sinasabi ko na sa kanya (Kris), ‘Oy, congrats, number two ka, ha?’

Ginaganyan ko na siya,” at ang reaksiyon daw ng Queen of All Media, “No, I hate you, I hate you! Tie tayo!”  “Sabi ko, ‘Hindi naman tayo puwedeng tie. Walang tie diyan, no! Sabi kong ganu’n,” tumatawang sabi ni Vice.

Samantala, sina Charice at Aiza Seguerra ang peg ni Vice sa role niya bilang tomboy, sa katunayan,inilista pa niya kung ano ang pagkakaiba ng dalawang singers sa pagkilos, pananamit at pananalita.

Bukod dito ay malaking tulong din ang segment nila sa It’s Showtime na That’s My Tomboy, “At nalaman ko na ang pambansang outfit pala nila ay checkered.

Kasi isang beses papunta ako ng shooting, nagkalat ang tomboy sa audience entrance ng ABS-CBN para sa audition ng That’s My Tomboy, lahat sila, naka-checkered, lahat ng kulay, lahat ng uri, lahat ng laki, kaya sabi ko, ‘Ah, pambansang damit nila ito’.

Kaya pagkatapos no’n, sabi ko sa stylist kailangan checkered na (suot ko),” natawang kuwento ng TV host-actor.  Sa lalaki naman ay ang kaibigang si Vhong Navarro ang peg niya, “Siya naman lagi ang pine-peg ko pag lalaki, siyempre ang ipe-peg mo, ‘yung gusto mong lalaki, e, gusto ko si Vhong, ‘yung itsura, ‘yung diskarte at saka  marami kaming similarities ni Vhong, nakaka-relate ako sa kanya.”

At pagdating sa girl ay sina, “Paris Hilton and Ruffa Gutierrez, pinagsama ko sila kasi blandina (Paris), tapos ‘yung pananalita na arte, si Ruffa.

Tapos sa bakla, e, napakarami kong kaibigang bakla at ako mismo, bakla kaya hindi ko na kailangang i-peg ‘yun,” pagtatapat pa ni Vice.

( Photo credit to Google )

Read more...