Joyce Ching ilang araw iniyakan si Kristoffer Martin: Sobrang sakit!

Iniyakan ni Joyce Ching ang split up nila ni Kristoffer Martin. While we were not able to talk to Kristoffer nga na nagsalita na finally sa estado nila ni Joyce, good thing we were able to talk to Joyce for the pocket presscon of her show Dormitoryo every Sunday after Sunday All Stars.

Very light ang pananalita ni Joyce about this na ngayong nagsalita na raw si Kristoffer, it’s time for her to talk na rin. One thing she and Kristoffer promise about this, hindi sila magsisiraan dahil sayang naman ang kanilang two and a half years relationship kung ngayon pa sila magsisiraan.

Say ni Joyce, hindi rin siya magsasalita kung may third party nga. Ang sinisiguro lang ni Joyce, kung sina Kristoffer at ang sinasabing bagong girlfriend nitong si Julie Anne San Jose, sure naman daw that the girl in question is out of their problem dahil in fairness daw, nagkalabuan sila one week bago magsimula ang taping nina Kristoffer and Julie Anne sa una nilang pinagsamahang show na Kahit Nasaan Ka Man.

This is like saying Joyce is defending Julie Anne lalo na sa mga naglalabasang tsismis na inagaw nga raw sa kaniya ng singer si Kristoffer.

Ang dagdag lang ni Joyce, talagang nasaktan siya sa split up nila ni Kristoffer at iniyakan niya ito ng kung ilang araw dahil babae lang naman daw siya at minahal niya ng todo si Kristoffer.

At eto na, kung ilang beses silang nagri-request noon na magkasama sila sa isang show when they were together pero ngayong split na sila, saka naman sila pinagsama ulit sa isang primetime soap na may tentative title na Isla.

Sila nina Kristoffer and Bea Binene ang magiging magka-triangle in this upcoming GMA TeleBabad na ididirek ni Joyce Bernal.

( Photo credit to Google )

Read more...