SA pagdiriwang ng World Teacher’s Day ngayon, nanawagan ang mga kongresista kay Pangulong Aquino na itaas ang suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan, na isa sa may pinakamaliit na sahod sa Asya.
Ayon kay Gabriela Rep. Luz Ilagan napag-iiawanan ang mga guro ng bansa pagdating sa suweldo kaya marami sa kanila ang nangingibang bansa na lamang.
Ang starting salary ng guro sa bansa ay P9,202 samantalang sa Malaysia ay 11,438, sa Korea ay P30,405 at sa Japan ay P26,256.
“Not only is it a dishonor, it is also an injustice for our teachers to teach amid conditions of scarcity and slave-like compensation. This is something that President Aquino should have learned in his years of study in Ateneo,” ani Ilagan sa press statement.
Sinabi naman ni Aurora Rep. Sonny Angara, chairman ng House committee on higher and technical education, na bigyan ng training ang mga guro upang tumaas ang kalidad ng teacher education sa bansa.
“It’s a vicious cycle. If we don’t train our teachers well, we’ll be producing lousy students and teachers. It’s something we need to attend to proactively by focusing on the needs of our teacher,” ani Angara.
Nanawagan si Angara sa Commission on Higher Eductaion na ilaan ang bahagi ng education development fund nito upang itaas ang kakayanan ng mga guro.
Batay sa 2010 Licensure Examination for Teachers, tanging 23.3 porsyento lamang ng mga kumuha ng licensure exam sa secondary level at 15.4 porsyento sa elementary level ang nakapasa.
Walang duda na binabarat ang suweldo ng mga guro sa bansa, ayon kay Marina Peña, na 15-taon nang nagtuturo sa pampublikong paaralan.
Nang usisain kung saan napupunta ang kanyang kakarampot na suweldo, ang naging tugon nito ay “its in London.”
“Loan dito, loan doon,” ang pabiro niyang sabi. Anya ang suweldo na P20,000 kada buwan ay pambayad sa kaliwa’t kanang utang para maitawid ang anim na anak.
Ganito rin ang sentimyento ng 11 kapwa niya guro mula Aurora na sumali sa national celebration ng Teachers’ Day kahapon na dinaluhan ng may 10,000 mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa.
Muling nanawagan ang mga guro sa pamahalaan na dagdagan pa ang suporta nito sa mga paaralan lalo na iyong mga nasa rural areas. – Leifbilly Begas, Inquirer
READ NEXT
NBA pre-season kanselado
MOST READ
LATEST STORIES