KANSELADO na ang kabuuan ng pre-season games ng National Basketball at nanganganib na baka hindi na rin matutuloy ang pagbubukas ng 2011-2012 season sa huling linggo ng Oktubre.
Ito ay matapos na hindi pa rin nagkasundo kahapon ang mga team owners at ang players union na pinamumunuan ni Los Angeles Lakers guard Derek Fisher.
We were not able to make the progress that we hoped we could make and we were not able to continue the negotiations,” wika ni NBA commissioner David Stern pagkatapos ng kanilang pag-uusap na inabot ng apat na oras kahapon.
Hindi rin napag-usapan kung kailan sila muling mag-uusap kung kaya’t malaki ang pusibilidad na magkarooon ng “work stoppage” sa liga na tulad noong 1998-99 season kung kailan bumaba sa 50 games ang regular 82-game season ng liga.
Ayon kay Stern, inalok ng mga team owners na magkaroon ng 50-50 share ang mga players at owners sa mga basketball-related income. Hindi umano ito tinanggap ng mga players na nais na mapunta sa kanila ang 53 percent share.
Ang dating share ng mga players ay 57 percent. Nais bawasan ito ng mga owners dahil, ayon sa kanila, nalulugi sila ng $300 million kada taon.
“Today was not the day for us to get this done,” players’ association president Derek Fisher said. “We were not able to get close enough to close the gap.”
Nasa likod din ng players union ang mga superstars na tulad nina Kobe Bryant, Paul Pierce and Kevin Garnett.
Hindi rin magkasundo ang magkabilang panig sa usapin ng salary cap. — AP