P80.1M 6/49 Super Lotto jackpot di tinamaan

UNTI-unti na namang tumataas ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 matapos hindi tamaan ang binola Martes ng gabi.
Walang nanalo sa mahigit P80.185 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49  sa kombinasyong  binola  na 09-08-47-24-41-31.

Sa Huwebes ay inaasahan na lalo pang lalaki ang jackpot prize ng Super Lotto na hindi pa tinatamaan mula pa noong Agosto 30.

Ngayong taon ay 21 na ang tumama sa Super Lotto. Ang pinakamalaking jackpot na tinamaan ay P106,844,122.80 noong Hulyo 26.

Tuwing Martes, Huwebes at Linggo ang bola ng Super Lotto. Ang minimum jackpot ng 6/49 ay P16 milyon. – Leifbilly Begas
(ed: Type mo ba ng swerte? Mag-text sa BANDERA para makatanggap ng latest LOTTO results at tips! I-text ang ON<space>LOTTO name/age/gender/location sa 4467)

Read more...