Business loan sa OWWA

SUMULAT sa atin si Roberto A. Palermo, excavator/operator ng ISU Engineering and Construction Co., Ltd.
Hindi na po natin inilathala ang kanyang liham dahil sadyang mahaba po ito.
Gayunman, inilapit natin ito sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). At narito ang kanilang sagot.
REPLY: Dear Ms. Soriano,

Bagamat naparami pong concerns ang nabanggit ni Mr Palermo ukol sa nangyari sa kanyang employment sa ISU Engineering sa Sierra Leone, ang hinihingi niyang tulong sa OWWA ay business loan.

Pakisabi po kay Mr. Palermo na bumisita sa OWWA office na sumasakop sa kanyang lugar. Kung siya ay taga National Capital REgion, ito po ay nasa 2nd Floor, OWWA Center, Pasay City. Makipag-ugnayan sya sa Reintegration Unit, Programs Services Division, OWWA RWO-NCR.
Salamat po.
Vangie Custado
OWWA III
ADVOCACY AND SOCIAL MARKETING DIVISION (ASMD)
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Tel. No. (632) 891-7601 loc. 5414, 5603 or (632) 891-7741
Email address: asmd07@owwa.gov.ph/ asmd07@gmail.com
Website: www.owwa.gov.ph
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...