Vice trip magpatanggal ng bird, magpalagay ng totoong Boobs


ISA sa mga rason kung bakit labs na labs ni Maricel Soriano si Vice Ganda ay dahil sa sobra daw nitong pagiging totoo at pagpapakita ng tamang asal sa mga bagay-bagay.

Kaya naman hindi nakapagtatakang magmistulang “extra” lang ang Diamond Star sa entry nila sa MMFF 2013 na “Girl, Boy, Bakla Tomboy” ng VIva Films at Star Cinema.

Sa lahat kasi ng aspeto ay kitang-kita na movie ni Vice ang naturang MMFF entry though sa pakikipag-usap nila sa amin ay hindi naging maramot si Vice sa pagbibigay-pugay sa mga beteranong gaya nina Maria, Ruffa Gutierrez at Joey Marquez, na mga co-stars niya sa movie.

“Iyan ang isang maipagmamalaki ko sa movie na ito. Lahat sila, lalo na si Inay Maria ay sobrang generous para ako pa ang tanungin niya kung ano ang kailangan ko sa movie para mas lumabas at lumutang ako bilang apat ngang roles ang aking ginagampanan.

Lagi ko pong sinasabi at sasabihin na hindi lang ako ang dapat na sentruhan dito dahil kung wala sila, silang lahat, walang saysay ang pagka-Girl, Boy Bakla Tomboy ko dito,” paliwanag ni Vice.

Umaasa rin si Vice na magna-number one ang pelikula niya. Sey pa nito, “Kaipokritahan namang mag-wish ako na mag-number one sina Kris (Aquino) o si Uge (Eugene Domingo) dahil siyempre may entry din ako.

“Basta ang masisiguro ko sa inyo, ito na ang pinakamahirap at masayang movie na nagawa namin nina direk Wenn (Deramas) at tiyak kong mararamdaman at mapapanood ninyo iyan sa movie,” sey pa ni Vice.

Samantala, alam n’yo ba na gusto sana ni Vice na magpalagay ng totoong boobs para sa girl role niya sa kanilang MMFF entry pero pinigilan siya ni Direk Wenn, “Sabi ko nga, tapusin muna natin lahat ng eksena ng babae para totoo yung dede, papalagay ako.

Tapos, madali lang naman yun, puwede namang tanggalin anytime mo gusto. “E, ayaw niya, ‘’Wag na, magkasakit ka pa riyan.’ E, gusto ko. Gusto ko pa nga sa lalaki, kapag kinunan ang lalaki, gusto kong magpalaki ng katawan para lalaki talaga.

“Sabi niya, maganda ‘yang pina-plano mo, pero hindi ‘yan kaya ng panahon. Tapos sa bakla, gusto ko sanang patanggal muna ng bird, then, palagay na lang ulit.

E, ayaw niya, hinarang niya lahat ng plano ko,” natatawang pahayag pa ng TV host-comedian.

( Photo credit to Google )

Read more...