KUNG si Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo ang masusunod, hindi na dapat pagbayarin ng buwis ang boxing legend na si Manny Pacquiao.
Sinabi ni Gunigundo, kasama ni Pacquiao sa Kamara de Representantes, na huwag nang pag-abalahan pa ni Manny na magbayad ng buwis hanggang siya’y nabubuhay.
Bakit, ‘kanya? Dahil binigyan ni Pacquiao ng karangalan ang bansa sa kanyang pagiging world champion.
Kung ganoon, dapat lahat ng beauty queens, gaya ng dating Miss Universe Gloria Diaz, ay hindi rin dapat magbayad ng buwis habang sila’y nabubuhay.
Mga ibang atleta na nanalo ng world titles ay dapat exempted din sa pagbayad ng taxes dahil nagbigay rin sila ng karangalan sa buong bansa.
Yung mga Filipino overseas contract workers, na nagpapadala ng bilyon-bilyong dolyar sa ating bansa at itinutu-ring na modern-day heroes, ay dapat hindi rin magbabayad ng buwis hanggang sila’y buhay.
Anong kabalbalan itong panukala ni Gunigundo?
Sinasang-ayunan ng ibang kasamahan ni Gunigundo sa Kamara ang kanyang panukala.
Dahil lang ba si Pacquiao ay miyembro ng Kamara ay kinakampihan na siya laban sa kanyang alitan sa Bureau of Internal Revenue?
Talagang tinataguyod ng Kamara na sila’y “Old Boys Club.”
Dahil sa panukala ni Gunigundo, naalala ko tuloy ang isang joke tungkol sa isang tao na may kapansanan sa pag-iisip na nagdala ng pato sa loob ng sabungan.
Nang siya’y sitahin, sinabi ng kolokoy na pa-laban naman ang kanyang pato.
At sino ang tumayo sa pato?
Ang mga kasamahan ng kolokoy sa National Mental Hospital!
Nakatakas o pinakawalan ang Jordanian TV reporter na si Baker Atyani matapos ang 18 buwan na pagkaka-kidnap sa kanya ng Abu Sayyaf.
Ang tanong: Bakit di masugpo-sugpo ang pangingidnap ng mga Abu Sayyaf samantalang tinutulungan ang ating tropa ng America?
Ang US Special Forces at US Navy Seals ay nagti-train ng Filipino troops sa pakikipaglaban sa isang grupong ragtag o watak-watak.
Kahit na sophisticated ang kanilang armas at maging ang kanilang tracking equipment, bakit di pa rin natatalo ng mga sundalo at pulis ang Abu Sayyaf?
Ang dahilan: Ayaw makipaglaban ang ating mga sundalo at police commandos dahil walang katiyakan na aasikasuhin sila kapag sila’y nasugatan sa laban.
Ang mga sundalo na dinadala sa V. Luna Medical Center ay pinabibili ng kanilang sariling gamot dahil walang supply ang hospital pharmacy.
Tanungin n’yo ang mga sundalong sina-wing-palad na ma-confine sa V. Luna at patutunayan nila ang sinasabi ko.
Kabaligtaran naman ang ginagawa ng Chinese General Hospital (CGH) sa mga sundalo at pulis na nasugatan sa labanan.
Ang CGH ay nagbibigay ng free hospitalization and medicines sa mga sundalo at pulis na nasugatan in line of duty at tinakbo sa CGH.
Lahat ay libre para sa mga bayaning sundalo at pulis, sabi ng philanthropist na si James Dy, may-ari ng CGH.
Dinalaw ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang mga sundalong nasugatan sa labanan sa V. Luna kamakailan.
“I dropped everything in my schedule to be with you and to personally greet you and tell you that you are our country’s heroes,” sabi pa ni Gazmin.
Kahit pa araw-araw na dalawin ni Gazmin ang mga sundalong nasugatan at naka-confine sa V. Luna, walang ganang makipaglaban ang mga sundalo sa field kapag sila’y pi-nababayaan ng gobyerno.
Kung talagang itinuturing ng gobyerno na sila’y mga bayani, bakit pinabibili ang mga sundalong naka-confine sa V. Luna ng kanilang sa-riling gamot?