Sulat mula kay D.R., ng Bago Aplaya, Talomo, Davao City
Problema:
1. Magpipitong taon na kaming magkasama ng asawa ko pero wala pa rin kaming anak. Sumangguni na kami sa albularyo at doktor at sinunod naman namin ang kanilang iniutos. Wa epek pa rin. Nawawalan na kami ng pag-asa kaya balak naming mag-ampon na lang kami.
2. Hihintayin namin ang inyong payo bago namin tuluyang ampunin ang anak ng malapit na kamag-anak. Tapatin ninyo kami: magkakaanak ba kami? Meron bang suwerteng birthday kung mag-aampon kami ng bata? Nakatanaw na kami sa aming pagtanda at kailangan ay may bata.
Umaasa,
D.R., ng Bago Aplaya, Talomo, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
D.R., ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa taon 2014, samantalahin ninyo ang pagtatalik at sundin ang mga nasabing gabay sa itaas. Sa ganyang paraan, tulad ng nabanggit na, sa susunod na taon ay isisilang ang isang malusog at cute na sanggol na maghahatid ng bagong tuwa at kukumpleto sa pagmamahalan ninyong mag-asawa.