Eugene nagsimula lang bilang ekstra, pero mas sikat na ngayon sa mga nakasamang big stars

EUGENE DOMINGO

MULA sa pagiging extra, napakalayo na nga ng narating ng TV host-comedienne na si Eugene Domingo. Isa lang siya sa mga artistang nagtagumpay sa larangan ng pag-arte na masasabing nagsimula talaga sa pinakababa.

Kung matatandaan, puro extra lang ang role niya noon sa mga pelikula ng Regal Films, sa TV naman, laging katulong ang ginagampanan niya sa mga teleserye. Natatandaan pa namin ang role niya bilang Simang sa isang soap opera noon ni Claudine

Barretto na talaga namang minahal ng mga manonood dahil sa galing niyang magpatawa.

Pero ngayon nga ay mas marami pa siyang proyekto sa mga malalaking artistang nakasama niya noon na halos hindi na napapanood ngayon sa TV man o sa pelikula.

Pero nagpaka-humble pa rin si Uge sa kanyang naging komento tungkol dito, “At the end of the day, sa kanila pa rin matututo, e. Wala ito sa usapang sikat o hindi sikat, e.

“Ang usapan diyan, karapat-dapat ka bang sumunod sa yapak nila? Paano mo aalagaan yung industry na minsan ay inalagaan din nila, di ba? So, kung anuman yung makikita ng susunod naman sa akin, kailangan galingan din niya sa akin.

“Ganoon lang naman ‘yan, pasa-pasa lang ‘yan, kanya-kanyang panahon. Hindi naman ibig sabihin na magaling ka ngayon, ikaw na habang buhay,” pahayag pa ng komedyana na bibida muli sa official entry nila sa 2013 MMFF na “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” showing on Dec. 25.

Natanong din si Uge kung naka-experience ba siya ng pambu-bully noon mula sa big stars na nakakasama niya, umiling muna siya sabay sabing, “Never, never, never. Lagi akong nagpupunta sa mga grupo ng mga masasayahin at saka mapagbigay.

“Ang suwerte ko, kasi lahat ng mga artistang nakasama ko, big stars man ‘ika nga, character actors man… lahat mapagbigay.

Ganoon ang natutunan ko at ganoon din ang ituturo ko,” chika pa ni Uge na super excited na sa nalalapit na showing ng “Kimmy Dora” part 3 kung saan makakasama niya si Sam Milby, with Ariel Ureta, Angel Aquino, Joel Torre, Moi Bien at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon ni Chris Martinez.

Read more...