Sino ang naging peg ni Vice Ganda sa “Girl Boy Bakla Tomboy”?
Kung kambal ang panlaban ni Eugene Domingo sa MMFF 2013 entry niya, apat na Vice Ganda ang mapapanood sa entry ng Star Cinema and Viva Films na “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” as he plays the girl, the boy, the gay and the lesbian. Directed by Wenn Deramas, kasama ni Vice sina Ms. Maricel Soriano and Joey Marquez playing his parents and also in the cast are matinee idols Ejay Falcon and JC de Vera, Kiray Celis and Ruffa Gutierrez in her first Star Cinema movie.
Ang gusto sana ni Vice, gawin munang lahat ang girl character dahil ito ang pinakamahirap gawin as it takes six hours in make up and special effects and then do the boy next and the lesbian third at panghuli na ang bakla. Kaso nga, Wenn insisted that all four characters be done sabay-sabay per scene para nami-measure ang bawa’t galaw ng apat lalo na kapag magkakasama sila. Sa bandang ending daw kasi ng movie, palaging apat na characters ni Vice ang nasa screen so pahirapan.
Tanong kay Vice, sino-sino ang naging peg niya sa tatlong characters niya dahil for sure hindi na niya kailangang magkaroon ng peg sa gay character. For the girl daw, overacting na Ruffa na kasama niya sa movie. For the boy, ang co-host niya sa Showtime na si Vhong Navarro. For the tomboy, sina Aiza Seguerra at Charice. Madali ang gay and girl, it’s the other two na hirap si Vice.
He was also asked kung ano ang masasabi niya sa mga gay comedian na gustong maging siya, Vice said, “Huwag nilang sundan ang yapak ko dahil hindi nila masusundan. Kasi ako, wala rin naman akong sinundang yapak.
“Kasi walang makakagawa ng kahit sino. Hindi ko masusundan ang yapak ni Vic Sotto, ni Dolphy, ni Ai Ai delas Alas dahil ‘yung mga tinahak nila ay sila lang ang nagawa ng landas na ‘yun. Hintayin na lang nila ang panahon dahil panahon ang kusang magdadala sa kanila doon. Diyos na ang nagtakda nu’n, hindi na tao.
“Kaya kapag sinasabi nilang, ‘You are the next Dolphy, the next Vic Sotto’, I don’t think so. No one will ever be the next Dolphy, the next Vic Sotto. I am the first Vice Ganda. Hindi ko kayang gawin ang ginawa nila kaya hindi ko ‘yun susundan. Gagawa ako ng sarili kong rampa,” sabi ni Vice.