Mabubuntis sa 2014

Sulat mula D.R., ng Bago Aplaya, Talomo,
Davao City
Dear Sir Greenfield,
Magpipitong taon na kaming magkasama ng asawa ko pero wala pa rin kaming anak.  Sumangguni na kami sa albularyo at doktor at sinunod naman namin ang kanilang iniutos.  Wa epek pa rin.  Nawawalan na kami ng pag-asa kaya balak naming mag-ampon na lang kami.  Hihintayin namin ang inyong payo bago kami tuluyan nang mag-ampon ng anak ng malapit na kamag-anak.  Tapatin ninyo kami: magkakaanak ba kami?  Meron bang suwerteng birthday kung mag-aampon kami ng bata?  Nakatanaw na kami sa aming pagtanda at kailangan ay may bata.
Umaasa,
D.R., ng Bago Aplaya, Talomo, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
     “’Wag muna kayong mag-ampon,” ito ang nais sabihin ng dalawang malinaw na Children Lines (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t manalig lang kayo sa Maykapal, sobrang laki ng pag-asa na sa malapit na hinaharap, maaari kang mabuntis at tuluyang magkaanak.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of Diamonds at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawa ang magiging kabuuang bilang ng inyong magiging supling habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan, isang babae at isang lalaking sanggol ang inilalarawan ng Jack of Diamonds at Six of Hearts.

Itutuloy

Read more...