HOROSCOPE, December 05, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan isang kaibigan ang magkakatagpo may iaalok sayong pagkakakitaan – sunggaban agad, pagkakataon mo na para madagdagan ang iyong income. Sa pag-ibig, sa isang Gemini  matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Red at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Iwasang maging mainitin ang ulo upang hindi masalubong ang masamang kapalaran. Sa pagiging mahinahon, mas lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig habang nagpapakabait lalong sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Orange at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— ‘Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa sayo, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.”  Blue at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposibleng maganap. Sa pinansyal at pag-ibig, habang nangungulila sa pag-ibig lalo namang madadagdagan ang salapi. Sa dakong hapon hanggang gabi, may isang hindi inaasahang romansang magaganap. Mapalad ang 4, 17, 28, 31, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Yellow at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Magkakapera ng malaking halaga kung lagi kang magdidkit sa isang Capricorn. Kapag nagkapera, paglaanan ang nalalapit na pasukan upang mas maging maligaya ang pamilya. Mapalad ang 2, 7, 16, 28, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Tama ang ginagawa mong pagsa-sakripsiyo upang makapag- exercise, para magpa-sexy. Mahirap talaga ang tumataba lalo na’t magpapasko pa naman. Habang sumeseksi, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyo at bibigyan ka niya ng maraming pera. Mapalad ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Visnu-Om-Veda.” Red at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Sa pinansiyal, paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan! Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ipalasap sa  kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam.” Green at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Lingid sa iyong kaalaman maraming humahanga sayo! Sa unang araw ng Simbang Gabi may magandang regalong matatanggap buhat sa isang secret admirer na laging nakasuot ng kulay puti. Mapalad ang 6, 12, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhar-Masya-Om.” Pink at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansiyal, hindi mo napapansin inuuto at sinasamantala ka lang nila. Ipakita sa minamahal at sa mga kaibigan na marunong karing magalit upang hindi sila umabuso. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Green at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Hindi ka dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong dyan ka kumikita ng pera. Sa pag-big hindi rin dapat pagsawaan ang kasuyong Gemini, alalahanin mong sa kabila ng lahat napagtyigaan ka niya. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Iwasan ang isang hangal na pag-ibig na nagtatangkang dumating hatid ng isang nilalang na medyo chubby o mataba. Sa pinansyal, wag ubusin lahat ang perang hawak sa maluhong Holiday Season, ngayon palang pag handaan mo na rin ang Valentine’s day. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Silver at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— May bababala ng karamdaman. Pahinga muna sa tabaho. Mag-libang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook.  Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, mapapahamak ka lang. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Veda-Aum-Puranha.” Maroon at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kung palagi kang panghihinaan ng loob, walang mangyayari! Tama ang kasalukuyan mong ginagawa – maging matapang! Sa pag-ibig, lakas ng loob ang susi upang mapagwagian ang puso ng minamahal. Mapalad ang 5, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ava-Aum-Yara.” Magenta at lilac ang buenas.

Read more...