Charice wala na ang kayamanan kaya nagtangkang mag-suicide


Mukhang hindi nagustuhan ni Charice Pempengco ang rebelasyon ng kanyang nanay-lola na ubos na ang naiipon niya ngayon na naging dahilan ng pagtatangka niyang maglaslas ng pulso nu’ng minsan.

Nagmamalasakit kasi si Nanay Tess Relucio, ang kinakalampag nito ay ang kanyang anak na si Aling Raquel, awang-awa ang nanay-lola ni Charice sa kanya dahil sobrang bulagsak sa pera ang kanyang ina.

Parang lumalabas pa na merong pera si Aling Raquel, samantalang si Charice na nagpapakamatay sa pagtatrabaho ay wala na, kaya galit si Nanay Tess sa ina ni Charice.

Hindi naman binastos sa Twitter ni Charice si Nanay Tess, pero ang sabi niya ay exaggerated ang kuwento, hindi lang niya pinahaba ang kanyang komento pero alam mong hindi niya nagustuhan ang mga rebelasyon ng kanyang nanay-lola sa Showbiz Police.

Nadunggol siguro ni Nanay Tess ang pride ng international singer, kapag sinabi kasing wala na siyang pera ay parang naghihirap na siya, ganu’n siguro ang naging pagtanggap ni Charice sa komento ng taong nagpalaki at nag-alaga sa kanya.

Pero sana nga ay walang katotohanan ang mga kuwento ni Nanay Tess, sana nga ay hindi masayang ang mga pagsisikap ng international performer, huwag sanang mauwi sa wala ang kanyang mga pangarap at pinaghirapan.

Sayang na sayang ‘yun kapag nagkataon. Galing sa hirap si Charice Pempengco at palaging pangarap ng mga tulad niya ang makaahon sa kahirapan kung meron din lang namang pagkakataon at oportunidad.

Read more...