TIWALA sa audience sa naunang dalawang “Kimmy Dora” franchise ang feeling ni Eugene Domingo na panlaban nila sa takilya ng “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” over their competitors sa Metro Manila Film Festival starting on Dec 25.
Pero hindi naman niya sinasabi na confident siya na magna-number one ang movie niya with Sam Milby as hew new leading man.
“It’s just that, ayoko lang ng stress. Ayoko na ng worries kasi as it is ang hirap nang gumawa ng pelikula. Kung i-stresin mo pang sarili mo and you will always think of competition, baka gumagawa ka na lang ng pelikula because you want to prove something else.
Ako kasi I want to do a film, I want to do a good film,” sey ni Uge sa presscon ng “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel.”
Excitement at hindi pressure ang feeling niya na mapasali sila sa MMFF and being the only franchise movie this year sa filmfest.
“Uhm, hindi pressure kundi excitement kasi ang sarap ng pakiramdam na kasama ka sa beteranang tulad ni Vic Sotto, Kris Aquino, Vice Ganda. Kasama ka doon sa papanoorin ng tao sa Pasko.
I mean, para sa akin, ang layu-layo na noon. This is bigger than I thought na mararating ko as an actor,” sabi niya.
Definitely, ang “Kimmy Dora” part 3 ang pinakamahirap, “Hindi ko alam kung bakit ang hirap-hirap nitong pangatlo.
Siguro dahil prequel, ‘no? Bata pa sila. So, nagre-require talaga siya ng youthfulness. Okey, ha, ‘yung totoo. Sa fight scenes masakit ang katawan ko pero wala akong mga pasa.
Pero ang dami kong sapak kay Sam. Ang dami kong suntok sa kanya tapos tinitiis niya. “Tapos lagi kong sinasabi, ‘Hindi, hindi kita sasaktan.’ Tapos kapag aksyon na nasasapak ko siya.
Kaya lagi kong sinasabi sa kanya, reregaluhan kita. So, ang dami kong ireregalo sa kanya. Tatlong appliances na ang ireregalo ko sa kanya,” tawa ni Uge.
Ginawa ng punching bag, sinipsip pa raw siya ni Sam sa isang eksena nila, “Oo, nadala siguro. Ha-haha! Nagtaka rin ako, e. Wala namang close up bakit kailangang totohanin, ‘di ba? E, alangang pigilan ko ‘di ba?”
Hindi naman daw siya nakiliti pero pagkatapos ng eksena ay sumigaw daw siya sa buong karagatan sabay sabi ng, “It’s the best!”
“Doon mismo sa langit, ‘Thank you Lord, it’s the best!’ Subukan ninyo.
Pasipsip kayo sa legs, totoo!” tuwang-tuwa niyang sabi. Marami naman ang nakapansin sa kaseksihan ni Eugene ngayon. Isa sa mga nagpaganda ng katawan niya ang madalas na pagpunta sa The Farm sa Batangas.
Ang balita ay meron na raw siyang sariling villa sa The Farm. “Hindi, may favorite ako na villa doon. And, I’m officially a farmer, ‘yun ang tawag sa regular na pumupunta doon, because nakakakalma, napaka-peaceful.
Alam naman natin kung gaano kaingay itong industrya natin. Kapag nandoon ako I can talk to myself. I can talk to the trees. Back to basic and then, you can pray, you can write, ganoon,” tsika niya.
Whenever she has a free time ay nagpupunta raw siya doon. Muli namang aalis ng bansa si Eugene para um-attend sa Dubai International Film Festival.
“Tapos medyo may detour ng konti bago bumalik. And then, sa first day of showing ng movie, manonood kami ng ‘Kimmy Dora’ sa Glorietta. Tapos magma-mall tour ako.
‘Thank you’, ganoon sa mga manonod, ganoon, ‘Pasok pa kayo.’” Pagpasok ng 2014, six months muna siyang magpapahinga. Hindi muna siya gagawa ng movie at magko-concentrate muna sa kanyang TV show.
But this time kaya ay may lovelife na siya? “Kaya nga tayo magbibigay ng panahon, ‘di ba?” Aminado si Uge na wala siyang manliligaw ngayon, “Wala, ililihim ko ba ‘yan?
But at the end of the day ika nga, after mong magtrabaho, mag-deliver ng goods, tao ka pa rin ‘di ba? Kailangan mo pa rin ng pagmamahal. Iharap ninyo nga sa akin ang hindi nangangailangan ng pagibig?”
Gusto na talaga niyang ma-in love. Kapag may naglalakad nga raw na guwapo sa harap niya ay ganito ang iniisip niya, “‘Ang sarap kayang boyfriend ‘to?”
Feeling naman namin may mami-meet si Eugene na simpogi ng napaka-wholesome at favorite actor namin ni Isah Red, na si Sam Milby. ‘Lam na!
Ka-join din sa “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” directed by Chris Martinez, sina Ariel Ureta, ang alalay ni Piolo Pascual na si Moi Bien, Angel Aquino, Joel Torre at marami pang iba.
At huwag na kayong magtaka kung walang trailer ng movie sa TV dahil mas pinili ng mga producers nito na mag-post ng trailer sa mga social networling sites. Libre na, effective pa.
( Photo credit to Google )