John Lloyd paiimbestigahan ng Senador; iba pang youngstar sa ABS at GMA damay


NANGHIHINAYANG ang friend naming si Francis Simeon dahil hindi nag-abot sina Anne Curtis at John Lloyd Cruz sa isang event recently spearheaded by a mobile company na pareho nila ine-endorse.

Our friend was probably excited, and all the dealers, too, na makitang magkasama ang dalawa after the infamous slapping incident na nangyari sa Prive a month ago.

Siyempre, seeing the two together na magkasama will douse off rumors na until now ay all’s not well between them matapos sampalin ni Anne si John Lloyd.

As per Francis’ “report” on his Facebook account ay “nauna raw dumating at nag-perform si Anne kaysa kay John Lloyd tsaka umalis. Si Kris Aquino raw na bagong celebrity endorser ng nasabing produkto ang ka-dressing room ni Anne.”

Nakita namin si JM Rodriguez who hosted the event in a photo with Anne kaya naman masasabing naka-move on na ang dalawa sa nangyari sa bar na part-owner si JM.

Actually, we’re waiting for Angelica Panganiban’s reaction on the controversial slapping incident which involved her boyfriend John Lloyd.

Inaabangan namin ang pasabog na reaction ni Angelica sa kanyang Twitter account but it seems that she’s not interested to make rants.

Bakit para yata siya biglang natakot kay Anne? Parang wala siyang ginawa in defense of her boyfriend. Palaban si Angelica kaya naman it is surprising for us na natameme siya sa issue involving her BF.

Just because Anne Curtis called John Lloyd Cruz  an “addict” ay kaagad na nag-react si Sen. Tito Sotto at sinabing dapat ay mag-imbestiga ang network tungkol dito.

While we feel na tama naman si Tito Sen sa kanyang idea lalo pa nga’t ayon sa kanya ay role models ang mga stars, we can’t help but think na nakiki-ride on ang senator sa issue nina Anne at John Lloyd.

Pero hindi rin naman namin siya masisisi dahil hiningan lang naman siya ng reaction, siguro dahil he was once the head the senate committee on dangerous drugs.

Ang suggestion nga ni Sen. Sotto ay magsagawa ng random drug test sa network. Kaya lang, hindi ba dapat ay hindi lang sa ABS-CBN kundi pati na rin sa GMA 7 at TV5 para ipakita sa lahat na wala silang kinikilingan.

And we also felt na hindi naman dapat seryosohin ang sinabi ni Anne na “addict” si John Lloyd dahil she uttered it nang malasing siya. Kung normal siya nang sinabi niya iyon ay maniniwala pa kaming she meant what she said.

But given the seemingly healthful physique of John Lloyd ay mahirap paniwalaang addict nga siya. No, not my Papa Lloydie. He never WAS and never WILL BE an addict!

( Photo credit to Google )

Read more...