Noy muling tinalakan ang media

MULING bumanat si Pangulong Aquino sa media  dahil puro negatibong balita laban sa kanyang administrasyon ang inilalabas nito.

Reklamo ni Aquino, hindi inilalabas ng media ang ginagawa ng pamahalaan upang maibsan ang problema sa mga sinalanta ng mga kalamidad kagaya ng Bohol, Leyte at Zamboanga City.

“Ganoon ho talaga ang kalakaran na patuloy pa rin ‘yung tinatawag na negativism sense. Pag hindi tayo naghanap ng o hindi tayo gumawa ng kontrobersya o isyu ay parang boring ‘yung ating media,” sabi niya sa Bulung Pulungan sa Pasay kahapon.

Inamin ng Pangulo na kailangan niyang palitan ang inihandang speech para masigurong ito ay kontroberyal para kakagatin ng media.

Ipinagtanggol si Ping

Matapos dumalo sa nasabing okasyon ay ipinagtanggol naman niya ang pagkakatalaga kay dating senador Panfilo Lacson rehabilitation czar sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

“Having Ping Lacson at the center wherein he’s a no-nonsense guy, focused solely on Yolanda’s rehabilitation, will undoubtedly achieve the targets sooner.

And that is, I guess, why we look at the unique capabilities of Mr. Lacson or Senator Lacson to be able to deliver,” sabi ni Aquino.

Idinagdag pa niya na kinakailangan ang serbisyo ni Lacson para masiguro na maibalik ang normal na pamumuhay ng mga biktima ni Yolanda.

“Yung the members of the Cabinet have their normal functions, then you also have the imperative to get our people back in a better condition at the soonest possible time,” aniya.

Kasabay nito, sinabi ni Aquino balewala naman sa kanya kung bumaba man ang kanyang approval rating basta’t ginagawa niya ang tama.

‘Babawi ako sa rating’

“My approval ratings will go down or they’ll go up. You know, at the end of the day, the only criteria I have is: Did I do right? And sometimes the right decision may be unpopular.

Sometimes, ‘di ba, parang conversely the wrong decision is immensely popular,” dagdag pa niya. Ayon pa kay Aquino, kampante naman siyang makakabawi rin sa kanyang approval rating.

“I expect that the numbers will rebound, in case they do go down, but that is not the important thing. The important thing is: Will our people see me as doing that which is right? And that is what is important to me,” sabi pa ni Aquino.

( Photo credit to INS )

Read more...