‘Stranger Things’ pasabog sa huling laban, Hawkins experience sa Poblacion bongga!

ISANG dekada na natin sinusubaybayan ang hit series na “Stranger Things,” at sa huling giyera nito sa Upside Down world, asahan ang mas intense, mas madugo, at mas nostalgic na mga eksena na tiyak na ikatutuwa ng mga fans!
Hinati ang huling season sa tatlong volumes: ang Episodes 1 to 4 ay streaming na ngayon sa Netflix, habang ang Episodes 5 to 7 ay sa December 25, at ang Episode 8 bilang grand finale ay sa December 31.
Ayon sa Netflix, hindi basta-basta ang labanan sa huling kabanata at mabubunyag din ang matagal nang tinatago sa lore ng Upside Down.
Base sa pasilip, nasira na ang bayan ng Hawkins matapos magbukas ang mga Rifts.
Dahil dito, ang tanging layunin ng mga bida ay hanapin at wakasan ang kanilang kalabang kontrabida na si Vecna.
Baka Bet Mo: Huling giyera sa hit series na ‘Stranger Things’ sisiklab na sa Nobyembre
Pero siyempre, hindi ito magiging madali dahil magkakaroon din ng ilang pagsubok, kabilang ang paghahanap ng gobyerno kay Eleven, na inaakalang siya ang nagdudulot ng lagim.
Kasama pa rin sa final season ang mga OGs na sina Winona Ryder, David Harbour, Millie Bobby Brown, Finn Wolfhard, Gaten Matarazzo, Caleb McLaughlin, Noah Schnapp, Sadie Sink, Natalia Dyer, Charlie Heaton, Joe Keery, Maya Hawke, Priah Ferguson, at Brett Gelman nalahat nagbabalik upang bigyang-buhay ang epic finale.
Wait, there’s more para sa Pinoy fans! Hindi lang sa screen makikita ang “Stranger Things” experience.
Para sa mga gustong maramdaman ang vibe ng Hawkins sa totoong buhay, may ilang Stranger Things-themed bars at spots sa Poblacion na bukas sa madalang pipol hanggang Sabado, Novembre 29.
Check out ang mga lugar na magdadala sa’yo sa mundo ng Upside Down at Hawkins: Byers House (Annex House), The Mothergate (Pepco Parking), Starcourt Mall (The Fun Roof), Munson Trailer (Alamat), at Vecna’s Mind Lair (Apotheka).
Siyempre, napuntahan na ‘yan ng BANDERA bilang isa kami sa mga naimbitahan ng Netflix para ma-experience in-person.
Very sure kami na mag-e-enjoy kayo sa bawat spots at talagang IG-worthy ang mga tema!
Makikita rito ang neon lights, retro 80s decor, at special drinks na perfect pagsabayin ang panonood ng bagong season at ang party vibes sa Makati.
Ang magandang balita pa, libre lang ang admission sa mga nasabing spots!
Kaya para sa mga hardcore fans, huwag palampasin ang pagkakataon NA panoorin ang Part 1 ng Season 5 sa Netflix, markahan sa calendar ang mga susunod na episodes, at samahan ang barkada sa mga themed bars at spots para sa ultimate “Stranger Things” experience!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
