Dislocation: Health implications

KOMPORTABLE ka sa iyong tahanan. Maayos ang hanapbuhay, at halos walang iniisip na problema sa iyong kalusugan dahil maliban sa iyong kabataan, sumusunod ka sa tamang panuntunan ng pag-iingat sa kalusugan.

Nang hindi inaasahan, dumating ang mga sakuna at sa isang iglap ay nawala ang lahat ng iyong kabuhayan.

Ang maari mo lang ipagpasalamat ay ang himala na buhay ka pa. Ito marahil ang karaniwang nararamdaman ng mga nasalanta ng napakalakas na bagyong Yolanda at ang mga naapektuhan ng nakaraang lindol.

Sa kasamaang-palad, parehong nangyari ang mga sakunang ito sa Kabisayaan.

Maliban sa shock at trauma, meron din isang sitwasyon na makaka-apekto sa Kalusugan ng mga tao at ito ay tinatawag na “dislocation”.

Ang dislocation ay ang mawalay sa dating gawi, tirahan, kapaligiran, kabuhayan at higit sa lahat sa mga kamag-anak ay malaking bomba na pumutok sa damdamin ng bawa’t taong nakaranas nito.

Ang dagok na ito ay may malaking epekto sa kaisipan at pisikal na katawan, pagbaba ng antas ng kalusugan at kung minsan ay pati relasyon ng tao sa Diyos ay nalalagay sa alanganin, nasusubukan ang pananampalataya.

Ang “dislocation” ay masasabing “bad news”!

Anumang masamang balita ay hindi basta-basta natatanggap ng kaisipan. Dumadaan sa ilang antas ng proseso na nagsisimula sa shock and denial, pagkatapos ay galit, tapos sasabayan ng bargaining, susundan ng depression o matinding kalungkutan at sa huli ay natatanggap na rin, kaya accpetance.

Lahat ay nagkakaroon ng ganitong karanasan nguni’t nagkakaiba lamang sa haba ng panahon na nagugugol mula ma-schok at matutula hanggang matanggap ang mga pangyayari.

Ang pagtanggap ng realidad ay siyang susi ng pag-usad tungo sa ikabubuti ng kalagayan lalo na ng kaisipan.

Sa gitna nito ay ang koneksyon ng tao sa Diyos; kapag mataas ang antas ng espiritwalidad, malakas ang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos ay mas mabilis na nakakapag-adjust ang tao sa bagong uri ng pamumuhay.

Napaka-importante ng katotohanang ito dahil dito nagmumula ang pag-galing ng karamdaman, pisikal man lalo na sa pang-kaisipan.

Pagkatapos ng sakuna, walang ibang patutunguhan kundi ang bumangon.

Read more...