Sey ni Uge, Sam mas masarap kesa kina Dingdong at Zanjoe


Kaya nga feel na namin ang pagiging tapat at diretsong paraan ng pag-promote ni Eugene Domingo ng kanyang “Kimmy Dora, Ang Kiyemeng Prequel” na entry nila sa darating na MMFF.

Sinabi kasi ni Uge na from among her leading men na kanyang nakahalikan sa movie, kinukunsidera niyang the best na si Sam Milby. May halo pang kantiyaw ang aming reaksyon sa tinuran nito dahil ika nga namin, baka kiyeme lang ang sagot niya dahil latest movie nga niya ang pinag-uusapan.

Pero nakakabilib nga ang katapatan at pagiging diretso ni Uge. Sey nito kapatid na Ervin, “Kahit i-rewind natin yung mga panayam ninyo sa akin tungkol sa same question, wala akong sinabi kundi ilarawan yung klase ng mga halik halimbawa nina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes o kahit ng iba pa niyang naging leading man.

“Dito sa part 3 ng ‘Kimmy Dora’, ilelebel ko siya bilang the best dahil bukod sa lips to lips na eksena namin ni Sam, kakaiba at mas masarap yung ginawa nyang pagsipsip sa hita ko.

And in fairness, feel na feel ko yun dahil napakalapit kaya nu’n sa ano…,” sabay halakhak ni Uge. Nakakatuwa at nakakatawa ang trailer ng movie na idinirek ni Chris Martinez.

Talagang karakter na ni Uge sina Kimmy at Dora at marami nga ang nagsasabing napakalakas ng laban niya bilang Best Actress.

“Ayan, hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa. Kahit nakakalokang pag-usapan dahil naitanong, yes, umaasa akong mapabilang sa mga Best Actress nominees.

Masarap kayang makasali sa MMFF awards dahil bukod sa laging pinag-uusapan ang resulta, bongga ang cash prize no!” hirit uli ni Uge.

( Photo credit to Ervin Santiago )

Read more...