CBCP ayaw sa ‘Trick or Treat’ tradition: Work of devil

HINIKAYAT ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na huwag tangkilikin Trick or Treat tradition.
Sa panayam ng DZMM Teleradyo kay Fr. Jerome Secillano noong Miyerkules, October 29, sinabi niyang bagama’t tutol sila rito ay alam niyang hindi lahat ay papanig sa kanilang paniniwala.
“Well, basically, kapag halimbawa Katoliko ka, ay ‘yon naman ang gusto namin sanang gawin. ‘Yon nga lang, sinabi mo naman na hindi mo naman maipipilit, e nasa pananaw din naman namin ‘yan, but at least we’re trying to instill in the public’s mind, na ito dapat ‘yong practice na ginagawa natin, ito ‘yong commemoration natin,” saad ng CBCP priest.
Pagpapatuloy niya, “So kami naman dito ay gumagawa naman ng trabaho namin, katulad ng interbyu ngayon, pinapaliwanag natin sa publiko, but at the end of the day, it’s all about people receiving our message or you know, putting into practice the message that we are telling you right now.”
Baka Bet Mo:
Sa kabila nito ay magdudulot naman ng kasiyahan sa kanila kapag nasunod ang kanilang mga pangaral.
Lahad pa ng CBCP priest, “Because this is not about you know, parang sarili lang e, kung hindi ‘yon nga, ating debosyon sa mga santo, ‘yong ating adherence sa pananampalataya. ‘Yong mga sinasabi nating mga halloween trick or treat, parang occult ‘yan e, it’s all about the work of the devil, na parang ano ‘to, ine-encourage pa natin?
“Huwag naman sana. At the end of the day, what we should encourage is the good thing, and what we should encourage is about God, our Faith.”
Dapat rin daw na pahalagahan ng publiko ang panawagan ng CBCP na i-propagate ang magagandang bagay tuwing Undas.
“Well, I think stretched naman ‘yon na magalit pa sila ‘no, na pinagdadamit nating santo, kasi if you’re trying to propagate what is good, e that is something ano, we should appreciate. E kasi kung halimbawa, na ‘yong pinopropagate natin dito ay ‘yong Halloween, tapos parang the works of the devil, e dapat na magalit tayo doon,” sabi ni Fr. Secillano.Dagdag pa niya, “O ‘di ba? E ‘yon kasi parang lumalabas sa katatawanan, o ‘di kaya parang festivities, e ‘yon nga ‘yong work of devil, e, parang ina-undermine niya ‘yong kasamaan para ipabatid sa atin na it’s something good, o you’re going to enjoy it, pero ‘yon ang work ng devil.”
Sinabi rin niya na sana isagawa rin ng madlang pipol ang tradisyon tuwing Undas gaya ng pagdarasal para sa mga yumao, pagsisimba, pag-aalay ng intensyon sa mga simbahan, pagbisita sa mga puntod, at pagtitirik ng kandila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
