LEFT and right na naman ang publicity ni Kris Aquino – primarily para mapag-usapan ang first venture niya as a movie producer under her very own outfit na nakipag-co-prod with other teams para sa MMFF entry nilang “My Little Bossings” starring her own son Bimby opposite Ryzza Mae Dizon.
Kaya lang, napakaraming nakataas ang kilay sa masyadong pagka-visible ni Kris dala ng napakanega ng dating ng apelyido nila ngayon dala ng maraming flaws sa governance ng kuya niyang pangulo.
“Sa palagay niyo ba, after ng kahinaan ng kuya niyang pangulo ay bilib pa rin ang taumbayan sa kanila. Definitely, 90% of people from Tacloban at iba pang nasalanta ay hindi manonood ng pelikulang ito dahil alam nilang binobola lang sila ni Kris.
Marami pa rin kasing hindi nakatanggap ng relief goods mula sa gobyerno dahil ang pinapaboran lang nila ay mga kaalyado nila.
“Nakakaawa ang iba at the more na dumani ang nagkandamatay dala ng gutom at sakit. Kaya kami, we are one na hindi tatangkilikin ang movie ng anak niya.
Wrong timing ang pagprodyus niya. Sira ang pangalan nila sa public,” anang isang kaibigan naming biktima rin ni Yolanda.
“Paano kami magri-rejoice at pipila sa MMFF lalo na sa pelikula nina Kris eh wala na ngang natira sa kabuhayan namin.
Uunahin muna namin siyempre ang pampasak sa mga gutom naming sikmura dahil hindi naman pala namin puwedeng iasa sa kuya niyang lalamya-lamya,” dagdag pa ng kausap natin.
We understand the point of this guy – kahit sino naman sa katayuan niya will prioritize muna their loss, di ba? Pero pag makaluwag-luwag, di manood ng sine pag may time. Ha-hahaha!
“Hindi naman magaganda ang pelikula ni Kris eh. Ever since, hindi kami bilib sa kaniya. Nakaka-curious nga lang ang anak niya, kung marunong din ba itong umarte or what.
Guwapo ang bata at mukhang bibo pero parang nakikini-kinita na naming iisa ang hulmahan nila ng kaniyang ina as far as acting is concerned.
Kumbaga, when you’ve seen Kris in films, ganu’n din siguro si Bimby. Male version lang. Ha-hahaha!” biro pa ng kausap namin.
Grabe ka naman.
Para namang pang-aalipusta ang ginagawa mong iyan kina Kris. Silipin mo naman ang movie even for Ryzza Mae’s and Vic Sotto’s sake. Mukhang masaya naman ang film, eh.
“Kayo na lang. Wala na kaming perang pampanood,” hirit pa niya. O, siya, siya. Hintayin mo na lang ang sinasabi ni Kris na gagawin nilang bagong version ng “John En Marsha” with Vic Sotto.
Bubuhayin daw nila ang character nina late Tito Dolphy and Tita Nida Blanca. This must be fun. “Ang John En Marsha ay acting piece kahit comedy ang tema. Mahihirapan si Kris to do a Nida Blanca.
Malayo sa personality niya. Unless babaguhin nila ang character ni Ms. Nida at iti-tailor kay Kris. Huwag nga siyang mag-ilusyong maging Marsha.
Malayung-malayo naman. Palala na nang palala si Kris. Kayo kasi eh, pinaniniwala ninyong magaling siyang aktres. Hasus!” talak naman ng isa pa naming friend.
Why don’t you give Kris a chance? Masyado naman kayong harsh or cruel sa kaniya. Artista rin naman iyan. “A ham is a ham and will always be a ham.
Kahit sabihin pang nanalo na siya ng acting awards, hindi kami bilib sa kaniya. Period. Walang comma!” tili pa rin ng kausap namin.
Hay naku, parang wala nang ginawang tama si Kris para sa iyo. Maghahanap na lang kami ng fans ni Kris para may magtanggol naman sa kaniya.
Kris to do a Nida Blanca? Parang mali nga, ‘no? Parang hindi nga bagay. What do you think?
( Photo credit to Google )