Julia Barretto bibinyagan nina Enrique at Sam


Sina Enrique Gil at Sam Concepcion na pala ang leading men ni Julia Barretto sa seryeng Mirabella at hindi na sina Kiko Estrada at Diego Loyzaga?

Naikuwento ito sa amin ng isang taga-Dos, ang paliwanag sa amin, “Sina Ken at Sam na ang leading men ni Julia, pero siyempre bida si Ken.”

“Kasama pa rin naman sina Diego at Kiko sa Mirabella, support lang, hindi kaya kung sila lang tapos bago pa si Julia, so walang dating, dapat lagyan mo ng may name na,” paliwanag sa amin ng source.

Hmmmm, paborito ngayon si Enrique ng ABS-CBN, huh? Pero parang matanda na siya for Julia, di ba bossing Ervin? (Feeling ko naman, may kilig sila, kasi fresh at young looking pa rin si Enrique, e! – Ed)

Samantala, kumpirmadong hindi na ni-renew ni Enrique ang kontrata niya sa Stages bilang co-management ng Star Magic.

( Photo credit to Google )

Read more...