Kc kay Paulo: Magaling siyang manligaw! Enjoy naman ako!


Sa wakas, nagdetalye na rin si KC Concepcion tungkol sa isa sa mga manliligaw niya ngayon na si Paulo Avelino. In fairness, wala namang sinabing nega ang TV host-actress tungkol sa aktor.

Hindi raw niya alam ang style ni Paulo sa panliligaw, pero sa takbo ng mga nagiging usapan nila kapag magkasama sila, nag-eenjoy naman daw siya.

At kung ‘yun daw ang magiging basehan, “Magaling siya manligaw kung ganu’n,” chika ni KC sa Buzz Ng Bayan last Sunday.
“Hinahangaan ko siya bilang aktor and since priority ko ngayon ‘yung work ko as an actress, ang ganda rin pag-usapan ‘yung trabaho namin,” sey pa ng dalaga.

Pagkatapos nilang mag-break ni Piolo Pascual noon, sinabi niya na hangga’t maaari ay ayaw na niyang makipag-date sa taga-showbiz, “Sabi ko nga before, I’m never, never going to date an actor.

Ayaw ko na talaga. Pero iba rin naman siya sa mga actors. Urian winner na ‘yun. Tinuturuan niya rin ako about sa character building.”

Nanalo si Paulo ng Best Actor sa Gawad Urian last year para sa indie movie na “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”.
Hirit pa ni KC, “I do enjoy hanging out with him.

Feeling ko parang hindi lang siya yung basta nagpapa-cute.”  Pero ang tanong, handa na nga ba siyang magmahal uli pagkatapos ng hindi kagandahang paghihiwalay nila ni Piolo?

“Actually isa iyan sa mga nakakapagpakaba sa akin na parang takot ba ako? Sabi ko nga kay Mama (Sharon Cuneta), ‘Ano ba ito. Lagi kong sinasabi na hindi ako ready mag-commit.

Kailan ba ako magiging ready ulit? Takot ba ako ng over?’ Sabi lang niya at ng mga Tita ko, ‘Give yourself a chance.’” Sinabi ni KC na “boyfriend material” naman ang lead star ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Honesto (after TV Patrol), pero aniya, hanggang friends lang daw muna sila, “Yes, good friends. Walang label.”

( Photo credit to Google )

Read more...