HOROSCOPE, December 02, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito at sa buong isang linggo, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte na may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig tuloy-tuloy din ang masarap na romansa. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)—  ‘Wag panghinaan ng loob, kung lalakasan mo ang iyong loob, mas madali kang yayaman.  Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Sukadeva-Om.” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa pinansiyal, wag kang umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sa sariling diskarte mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Mag-ingat sa pagpapahayag ng opinyon. Sa maling salita maaari kang mapahamak. Sa pag-ibig at pinansyal, isipin mo munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap, upang hindi ka mamali ng diskarte. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag magpatalo sa lungkot! Kung may tampuhan ng minamahal, resolbahin mo agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit ng matanggap ang 13th month pay  kaya magiging masasaya ka na naman. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Sa lahat ng zodiac signs ang Leo ang pinaka-masuwerte sa pera, hindi lang nila ito napapanatili dahil sa kanilang pagiging bumaksak. Masosolusyunan ang problema  kung mag-aasawa ka ng kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 1, 4, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Ituloy mo lang ang pagpupursege na yumaman, siguradong sa edad mong 43 pataas mararating mo rin yan. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng kasuyo na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Produktong may kaugnayan sa pagkain ang iyong simulan. Puto-bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong malapit na ang Simbang Gabi ang dapat. Sa pagi-ibig lumalamig na ang panahon, romansahin ang kasuyo. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi maganda ang nagagalit, lalo ka lang mamalasin. Sa pagigig masayahin at palangit, maraming salapi at masarap na romansa ang aanihin. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Tama ang iyong ginagawa, hindi ka dapat mang-api at hindi karin dapat apihin. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng mapayapang isip. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  ‘Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Ano ang halaga ng salapi kung nakuha naman ito sa pandaraya? Sa pag-ibig, may babala na dadayain ka rin ng iyong kasuyo, ngunit kung siya ay isang Cancer o kaya’y Virgos, tuloy parin ang mainit na relasyon. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Malaki ang maitutulong ng isang kaibigang may bigote. Siya ang dapat mong lapitan sa suliraning may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, sa isang uniformadong nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at Magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— May kalungkutang madarama! Ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo ay nangangailangan ng pera, sa susunod na mga araw makakabawi karin. Sa pag-ibig, ang kasuyong Cancer ang tanging nilalang na magpapasaya ng araw. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at orange ang buenas.

Read more...