Bossing, Joey suportado ng dabarkads hanggang sa TV5

Patuloy na pinatutunayan ng TV5 na epektibo ang mga programming innovations nito dahil parami ng parami ang mga viewers na tumututok sa network at mas nagiging active din ang presence nito sa social media.

Ayon sa datos mula sa Nielsen Media Research, consistent na napapabilang sa Top 15 shows ang mga programa ng TV5. Sa Nielsen overnight NUTAM data noong Nov. 17, kabilang ang Wow Mali Pa Rin ni Joey de Leon at Who Wants to be a Millionaire ni Vic Sotto sa Top 9-11 ranking ng mga programang matataas ang viewership ratings sa buong bansa.

Ibig sabihin, kahit identified sa GMA sina Joey at Bossing, tutok pa rin sa kanila ang mga dabarkads. Ang TV5 telecast naman ng Alaska Aces vs. Rain or Shine Elasto Painters game ng PBA ay nakapuwesto sa Top 12.

Malaking bagay din ang aktibong partisipasyon ng TV5 viewers at fans sa social media dahil madalas makasama sa trending topic ng Twitter ang mga programa ng Kapatid Network.

Sa katunayan, ang pilot episode ng bagong music show ni Jasmine Curtis Smith na SPINNation noong nakaraang Sabado ay pinag-usapan lalong-lalo na sa social media.

Ilang minuto bago ito umere ay prominente na sa Top 2 sa Twitter trending topics ang programa, at agad din itong umakyat sa Top 1 habang umeere.

Ang mga encouraging developments na ito ay mas lalong nagpapagana sa TV5 na maghandog ng mas marami pang de-kalidad na mga programa.

Sa mga darating pang buwan ay mas marami pang mga bagong programang ilulunsad ang TV5 na mas lalong mag-e-enganyo sa mga Pinoy na maglipat at maging Kapatid viewers.

( Photo credit to Google )

Read more...