PCSO agad nagkasa ng relief operations sa mga nilindol sa Cebu

MABILIS na nagsagawa ng relief operations ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga lugar na labis na nasalanta ng malakas na lindol noong Martes ng gabi.
Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles agad niyang inatasan ang kanilang mga sangay at Authorized Agent Corporations (AACs) na agad mamahagi ng tulong sa mga biktima.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr.
Baka Bet Mo: Kim Chiu personal na nagpaabot ng tulong sa biktima ng Cebu earthquake
Aniya, ang bawat evacuation kit na kanilang ipinamahagi ay naglalaman ng kulambo, kumot, tsinelas, flashlights, plastic mats, unan at tuwalya.
Ang kanilang family food packs naman ay ibinilin nila sa pamahalaang-panlalawigan para maipamahagi sa mga apektadong komunidad.
Tiniyak ni Robles na nakatutok ang kanilang ahensya sa sitwasyon para sa pagpapadala ng mga karagdagan pang tulong sa mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
