
KINUMPIRMA ni Health Secretary Ted Herbosa na 63 na ang nasawi sa nangyaring Cebu earthquake nitong Martes ng gabi, September 30.
Ang bilang ay ibinahagi ni Herbosa sa pagharap niya sa Senate Committee on Finance para sa pondo ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.
Ayon pa kay Herbosa apat na DOH medical teams ang tutulong sa pagtugon sa mga pangangailangan pang-medikal ng mga biktima.
Baka Bet Mo: Magnitude 6.9 na lindol yumanig sa Cebu
Prayoridad ang mga mangangailangan ng atensyong medikal mula sa mga gumuhong gusali, partikular na sa lungsod ng Bogo sabi pa ni Herbosa.
Sa ngayon, sabi pa ng kalihim, tatlong kalamidad ang kanilang tinutugunan na sabay-sabay at huhugot na lamang sila ng pondo sa kanilang Health Management Bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
