Martin Romualdez, Zaldy Co iimbitahan sa Senate hearing – Ping

IKINOKONSIDERA ng Senate Blue Ribbon Committee na paharapin sa susunod na pagdinig sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Kaugnay pa rin ito ng mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping’ Lacson ang imbitasyon kay Romualdez ay idadaan kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Sa kaso naman ni Co, sabi ni Lacson, nasa ibang bansa ang nagbitiw na mambabatas kayat posible hind ito makakadalo sa pagdinig kayat bibigyan na ito ng subpoena na susundan ng show cause order.
Sinabi ng senador, ang iimbitahan ang dalawa dahil sa alegasyon na pinipili ng komite ang mga pinahaharap na personalidad sa pagdinig.
Samantala, wala pang naitakdang petsa para sa susunod na pagdinig at ayon kay Lacson may iba pang mga bagay na may kaugnayan sa isyu ang hinihintay ng komite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
