Oyo sobrang higpit kay Kristine kaya hindi makabalik sa Showbiz

SO, hindi na pala si Kristine Hermosa ang gaganap na Dyesebel. Mismong si Oyo Sotto, ang dyowa ni Kristine, ang nagsabing hindi gagawin ng aktres ang popular Pinay character.

Expected na naman ito. Unang-una, may asawa na si Kristine kaya naman hindi siya bagay sa role although physically ay puwedeng-puwede pa siya kasi mukha namang hindi siya nanganak.

Also, since she’s already married, hindi rin tiyak kung papayagan ni Oyo na magsuot ng sexy mermaid costume at lumangoy-langoy ang beauty ng kanyang asawa.

It’s open secret na bukod sa seloso ay overly-protective itong si Oyo sa kanyang asawa. Hindi ba’t kontrang-kontra si Oyo na makipaghalikan si Tin sa next projects niya?

Anyway, ang sinasabing gaganap na Dyesebel ay si Julia Montes. Siya raw ang pinupuntirya ng kampo ni Deo Endrinal para gumanap na mermaid sa TV remake ng popular character.

Bagay ba si Julia? Hindi ba’t parang napakabata pa niya para sa role? Kung sabagay, swak rin naman kay Julia ang role. Carry naman siguro niyang gampanan ito.

If this happens ay ito ang biggest break niya sa TV. Nauna na naming naibalita na isa pa sa natsismis na gaganap na Dyesebel ay si Bea Alonzo pero like what other observers say kailangang karirin ni Bea ang pagpapayat para bumagay sa kanya ang role.

( Photo credit to Google )

Read more...