Pokwang hindi nagpasindak kay Thor; Jessy inirampa ang kaseksihan

NANINIWALA kaming naka-P7 million sa unang araw ang “Call Center Girl” ni Pokwang dahil soldout pala ang lahat ng screening sa Shangri-La Mall noong Huwebes ng gabi.

Saksi rin kami kung gaano kahaba ang pila sa ticket booth ng “CCG” at talagang nakikipagsabayan ang pelikula ng Star Cinema at Skylight Films sa pila ng “Thor” bossing Ervin.

Isipin mo, ang sosyal na Shang Cineplex ay napuno ng “CCG? Ang bongga ni Pokwang dahil na-invade niya ang AB crowd.
Anyway, may dahilan naman pala kaya maraming nanood dahil nakakatawa ang movie, pansamantala mong malilimutan kung anuman ang nakakapagpa-stress sa ‘yo habang nanonood ka, kaya bossing Ervin kaya try mong mag-watch dahil alam kong lagi kang stress sa akin dahil laging late sa deadlines.

He-hehehe! (Sige nga, ma-try ko rin para bukas maraming baong panlaban sa stress! Ha-hahaha! – Ed). Magdyowa sina Ejay Falcon (Dennis) at Jessy Mendiola (Regina) na hindi alam ng huli ay may asawa na pala at kaya pala atat na atat pumunta ng United Kingdom ay para sundan ang kabiyak doon.

Hindi alam ni Jessy na ginagamit siya ni Ejay para makakuha ng pang-placement fee na binubuno naman ng aktres. Dahil matagal nagkahiwalay ang mag-inang Jessy at Pokwang (Terry) dahil nag-OFW ito ay lumayo ang loob ng anak at para mapalapit ay pumasok ding call center girl si Pokie para tulungang makaipon ng pang-placement fee.

Dahil walang alam sa sales kaya laging palpak si Pokie bagay na ikinagagalit naman ng Team Leader (TL) ng unit nila na si Enchong Dee na parating bokya in terms of sales.

Laging napapagalitan si Pokwang ni Enchong dahil sa kapalpakan nito, at galit naman si Jessy sa team leader nila dahil feeling niya ay sinulot nito ang posisyon sa kanya.

Kaya ang ending, parating kaaway ni Enchong ang mag-inang Pokwang at Jessy. Aliw na aliw kami sa chuwariwap girls na sina K Brosas, Alex Castro (bading) at John Lapus dahil ang laki ng naambag nilang katatawanan sa kuwento bilang mga kaibigan at adviser ng mag-inang Pokwang at Jessy.

Siyempre, nakakatawa rin ang role ni Ogie Diaz bilang mali-maling kasama sa bahay nina Pokwang at Jessy. Naloka kami sa beach scene nina Pokwang dahil tangga talaga ang suot na niya halatang nag-shave at in fairness, ang seksi-seksi niya, huh!

Siyempre, hindi rin naman nagpatalo sa kaseksihan si Jessy na talagang kumikinang ang kaputian! First directorial job ba ito ni direk Don Cuaresma sa pelikula? Ang galing niya, huh! Nakuha niya ang kiliti ng tao. Congrats to the whole team.

( Photo credit to Google )

Read more...