Aiza: Sa Eat Bulaga, kahit anong mangyari walang iwanan!


NGAYON namin napatunayan na mas malalim pa sa ating iniisip ang relasyon nina Vic Sotto at Aiza Seguerra. Mas higit pa raw sa tatay ang turing ng dating child star kay Bossing.

Pansinin n’yo, halos lahat ng pelikulang ginawa ni Vic ay kasama si Aiza, ibig sabihin lang nito, isa ang singer sa mga pinakakatiwalaan ni Bossing sa showbiz, at kino-consider na lucky charm.

Sa presscon ng MMFF 2013 entry na “My Little Bossings” under  OctoArts, M-Zet Films, APT Entertainment at Kris Aquino Productions na pinagbibidahan nga nila, kasama sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap, with the special participation of Kris Aquino, labis-labis ang pasasalamat ni Aiza kay Vic.

“Kaya nga natutuwa ako, e, kasi never niya akong kinalimutan. ‘Yun ang maganda sa grupo ng Eat Bulaga at M-Zet, ang turingan namin ay talagang family.

“Hindi uso ‘yung kali-kalimot. We really care for one another. Para sa akin, sa industriya na ang daling mawala ng mga friends, iba ‘yung samahan namin,” sey pa ni Aiza.

Kasabay nito, natutuwa rin si Aiza dahil tagumpay na naman si Bossing sa pagpapasikat ng isang child star, ito ngang si Ryzza Mae na gumawa ng history sa mundo ng telebisyon na kauna-unahang batang artista na nagkaroon ng sariling talk show.

Ayon kay Bossing, kahit na anong mangyari ay mananatiling bunsong anak niya si Aiza, “Same thing with him, he will always be my second father,” sey naman ni Aiza.

Dagdag pa niya, “He’s family. I can’t say anything better than that. He’s family, he’s a mentor, a friend, an inspiration, an idol…lahat-lahat na!”

E, ano naman ang masasabi niya sa kasikatan ni Ryzza? “Ako, natutuwa ako, you know, seeing her. Si Ryzza, sobrang she’s really doing good. I’m just happy, and she deserves it, alam mo yun? She’s very witty.

“It feels good na after 25 years, meron na ulit bago (child wonder sa Eat Bulaga),” sey pa ng singer-actress (ay aktor pala! He-hehehe!)

Hirit pa ni Aiza, nakikita rin niya ang sarili niya noon kay Aling Maliit, “Oo, nakakatuwa nga, kasi dahil sa movie na ito, nagkasama kami. Ito ‘yung first time na masasabi kong nakasama ko siya talaga.

“Nag-e-enjoy akong kasama siya dahil ano lang, e…very natural. And natutuwa ako na kung ano ako para kina Bossing before, nagagawa ko sa kanya ngayon, natuturuan ko siya.

“Ang kaibahan ko lang siguro sa kanya, mas matangkad ako sa kanya noong bata ako! Ha-hahaha! Pero nakikita ko yung pagiging hardworking niya, pagiging bibo. Bibo itong bata ito, sobrang bibo!” papuri pa ni Aiza kay Ryzza.

Siyempre, bumilib din siya sa ka-loveteam ni Ryzza sa “My Little Bossings na si Bimby, “Ako, natutuwa rin ako kay Bimby. Kasi, kahit alam natin na hindi pa siya sanay sa ganitong mundo, nakikita mo talaga ‘yung effort para makisama,and nae-enjoy niya, e.

“So, I’m happy that eto sa first movie niya, I’m part of it,” pahabol ng singer. Isang special friendship naman ang nabuo sa pagitan nila ng mommy ni Bimby na si Kris, “Well, si Ate Kris naman kasi, nakakasama ko siya pag guesting kung saan-saan, like sa Kris TV.

But this is the first time na nakatrabaho ko siya. “And, ang sarap, kasi she really takes care of the people around her. Kumbaga, kung anuman ang baon niya, isini-share niya sa lahat.

And ‘yun, napakadaldal, walang dull moment. “Walang pagod, doon ako bilib sa kanya, walang pagod. Kahit pagod siya, alam mo yun, she makes time, especially for her son.

Nakita ko talaga kung gaano siya kabuting ina,” sey pa ni Aiza. “It feels good na, kumbaga, sa stature niya, ganu’n ang pag-aalaga niya. She’s a wonderful mom and friend, ‘yun ang masasabi ko,” chika pa nito.

Mismong si Kris naman ang nagbuking na may isang bonggang project silang pagsasamahan in the near future, si Aiza raw ang nakiusap sa kanya na tulungan siyang matuloy ang proyektong ito. Pero sey ni Kris, confidential pa raw ito.

( Photo credit to Google )

Read more...