Di siya mawawala (2) | Bandera

Di siya mawawala (2)

Joseph Greenfield |November 30,2013
facebook
share this

Di siya mawawala (2)

Joseph Greenfield - November 30, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lalien ng Carles, Iloilo
Problema:
1.      Malungkot ang Pasko ko ngayon dahil bigla akong iniwan ng boyfriend ko.  Hindi naman siya sumama sa ibang babae, o kundi’y nanlalaki.  Bigla siyang nangibang-bansa.  Matagal na naming napagkasunduan na hindi siya maga-abroad dahil hindi ko kaya ang maiwang mag-isa.  May skill kasi ang boyfriend ko at matagal na siyang isinasama ng kanyang kapatid, na nauna na sa abroad.
2. Ang sabi niya ay para raw ito sa pagpapakasal at pagbubuo namin ng pamilya, na hindi naghihikahos.  Ang sabi niya ipadadala niya ang kanyang suweldo sa akin at ibabangko ko raw ito.  Pero, mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas ay hindi pa siya nagpapadala ng pera, hindi nagte-text o tumatawag sa akin.  Labis na akong nag-aalala. Babalik pa ba siya?  Tatawagan ba niya ako?
Umaasa,
Lalien ng Carles, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ay nagsasabing basta’t patuloy ka lang nagpakatatag, sa bandang huli magiging happy ending din ang lahat, higit lalo’t nagkataong ka-compatible ng zodiac sign mong Leo ang zodiac sign na Aries ng boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing biglang suwerte ang mararanasan mo matapos ang manaka-nakang kalungkutan sa paghihintay mo sa iyong nobyo. Kung saan, kahit wala kayong kumunikasyon sa ngayon, hindi ka pa rin nawawala sa puso niya, dahil ang birth date mo at ang sa  boyfriend mo ay sadya namang tugma at compatible sa isa’t isa.
Huling payo at paalala:
Lalien, ayon sa iyong kapalaran, ang nangyayari ngayon sa inyong relasyon ng boyfriend mo ay pagsubok lamang sa inyong samahan. Ang lahat ng problema ay ganap ding mapaparam, kung saan muli kayong magkakaroon ng komuniskasyon, hanggang sa tuloy-tuloy na uling mag mahalan, at sa kanyang pagbabalik, ihahanda na ninyo ang masaya at magarbong kasalang hahantong  sa maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending