Publiko mababantayan flood-control projects gamit DBM online tracker

INILUNSAD ng Department of Budget and Management (DBM) ang online tracker system para sa lahat ng flood control projects.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman sa pamamagitan ng sistema maaring nang mabantayan ng publiko ang lahat ng proyektong pang-imprastraktura.
Aniya ito ay bahagi ng Project DIME (Digital Information for Monitoring and Evaluation), na gumagamit ng satellites, drones, at geotagging sa pagbabantay sa konsruksyon ng. mga proyekto.
“Kabilin-bilinan po ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kung ano po ang pinopondohan natin, let’s make sure po na makararating sa ating mga kababayan sa lalong madaling panahon,” sabi pa ng kalihim.
Ginawa ang paglulunsad ng Project DME sa kalagitnaan ng mga pagbubunyag ng mga palpak at guni-guning flood-control projects.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
