Pinagkaperahang flood control projects | Bandera

Pinagkaperahang flood control projects

Jake Maderazo - June 24, 2013 - 07:00 AM

MARAMING mga dating senador , kongresista at mga director o district engineer ng DPWH ang nakikita na ngayon ang perwisyo ng kanilang kawalanghiyaan sa mga nakaraang dredging, desilting at iba pang kinwarta flood control projects noon.

Isipin niyo, 50 porsyento ang lagayan dito at na-perfect na ang ganitong palakad sa mga dgovernment accounting. Photo op lang  ng “crane’ at ilang trabahador at  presto! Bayaran na kaagad. Di na nakita ng bayan kung may nagtanggal sa mga baradong estero.

Akala ng lahat matitigil na ito nang bumandera ang P600- Pasig River dredging anomaly noong 1987 kung saan sa higit 10 mga dredgers na kinontrata ng DPWH, isa lang ang tunay na nagtatrabaho  at ang iba ay Bogus o wala namang hinukay o hinakot. Ni wala ngang nakulong  o nasentensyahan. Kapag dumating ang baha, sasabaihin nilang nawasak din ang kanilang mga proyekto, kayat nababayaran din.

Lalo itong lumala sa panahon ni Tita Cory, at nagpatuloy sa panahon ni Ramos, Estrada, at Gloria. Ginawang gatasan ang bilyun-bilyong pisong pondo sa palagiang dredging sa Tripa de Gallina, sa Pasay at  Estero de sunog-Apog, Tondo, Tulliahan river, at maraming lugar sa CAMANAVA area.

Nangyayari pa rin kaya ito sa ilalim ng Tuwid na Daan ni PNoy? Hindi kaya 15-20 percent na lang ang bigayan tulad nang naririnig natin ngayon? Noong Huwebes,  nagbigay ng tig- P10,000 na anniversary bonus si Pnoy sa DPWH. Ito ba’y stamp of approval na wala nang nangungurakot sa nasabing ahensya? Bigyan din kaya ang MMDA sa anibersaryo nito sa October 24?
vvv

Tama naman itong si MMDA chairman Francis Tolentino nang sabihin nitong nagpalala sa baha dito sa Metro Manila noong nakaraang Huwebes at Lunes ang maraming drainage improvement projects ni DPWH-NCR director Reynaldo Tagudando. Nagbaha sa ibat ibang lugar tulad ng Sampaloc,Maynila,  Magalllanes, Makati at sa Libis ,QC.

Ang mga nakabuyangyang na mga  hukay na ito’y barado kayat  nag-overflow ang tubig baha. Pero, ito raw ay di kasalanan ng MMDA kundi ng mga contractor na ang mga proyektong matatapos sa Disyembre.

Bwelta naman ng mga taga DPWH-NCR at mga contractors, ang umano’y mabagal na pag isyu ng traffic permit ng MMDA. Hindi raw sila makapagsimula sa oras dahil ang tagal magdesisyon  ng  tanggapan ni Chairman Tolentino. Meron pang mga kwento na sinasadya raw silang pahirapan para umareglo.

Pero, ang sagot naman ni Tolentino ay nag-iingat lang sila sa mga desisyong sarhan ang mga malalaking kalye tulad ng gusto ng mga contractors. Kaya nga, tuwing weekend lang pumapayag ang MMDA para ituloy ang mga trabaho na may diggings lalo na  sa gabi hanggang madaling araw  lamang tinatakda ang schedule para walang trapik.

Kung titingnan, solusyon sa baha ang prayoridad ng DPWH  at  magandang daloy ng trapiko naman ang prayoridad ng MMDA . Parehong tama  para sa taymbayan. Pero bakit nagkaproblema?  Hindi ba sila nag-uusap?

Bakit kailangang magpatawag pa ng miting si Pnoy noong Miyerkules sa Malakanyang para pag-usapan ang mga pagbaha sa Metro Manila at  pagharapin ang DPWH at MMDA ? Kundi pa kay Pangulo, hindi matatapos sa Disyembre ang 70 drainage improvent projects ng DPWH  na kulang ang permiso mula sa MMDA.

At para sa ating mamamayan, ang masakit dito ay kung kailan tag-ulan na at binaha na tayo noong Huwebes at saka magkakaisa at aaksyon ang MMDA at DPWH-NCR. Kung tutuusin, dapat ay mag-usap lang palagi sina Chairman Tolentino at Director Tagudando  ng DPWH-NCR para malutas ang maraming isyu sa pagitan ng kanilang tanggapan. Unless of course, kung kontrata at komisyon ang nasa likod ng mga isyu, talagang mag-aaway nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makinig sa programang BANNER STORY, Lunes hanggang Biyernes 6-9 am sa RADYO INQUIRER DZIQ sa AM band. Kasama ko sa programang ito si beterana at respetadong mamamahayag na si Ms. Arlyn de la Cruz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending