Kabayo pang-patrol ng PNP

Ni John Roson

SA gitna  ng mga kontrobersya sa pagbili nito ng iba’t ibang sasakyan, balak naman ngayong bumili ng National Police ng mga kabayo para ipang-patrolya.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz, panukala ng Cordillera regional police ang pagbili ng kabayo para gamitin sa pagpatrolya sa mga bulubunduking lugar.

“Open ang PNP diyan hindi lang para sa (Cordillera), but also in some other places na hindi na nararating mga sasakyan kahit na four-wheel drive, mas magandang gamitan ng kabayo,” sabi ni Cruz sa Bandera.

Iminungkahi aniya ng Cordillera regional police na bumili ng pitong kabayo at maaring sa 2012 ay maisakatuparan ang plano.

“Siguro sa 2012 pero kailangan pag-usapan pa muna ng modernization board kasi hindi na kasama dun sa pondo (para sa 2011), dun kasi sa hearing nabawasan ng P250 million so kasama ‘yun na nawala,” ani Cruz.

Bukod sa pagpapatrolya, balak din gamitin ng PNP ang mga kabayo na pang-akit ng turista, gaya ng mga pulis sa Canada at New York sa Estados Unidos.

“Magiging parang mounted police sa New York, parang ‘yung nagpa-patrol sa Central Park na mga nakakabayo,” ani Cruz.

Ed. note:  Ikaw, anong pananaw mo rito?

Read more...