Jumbo Plastic wagi sa Wangs

Mga Laro sa Lunes
(Trinity University of Asia Gym)
12 p.m. BDO vs Café France
2 p.m. Big Chill  vs NLEX
4 p.m. Blackwater Sports vs Cagayan Valley
GUMANA ang opensa ng Jumbo Plastic sa huling yugto para iwanan ang Wangs Basketball, 75-59, sa 2013-14 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ateneo Blue Eagle Gym.

May 14 puntos mula sa bench si Mark Romero habang sina Jan Colina at Jason Ballesteros ay may 14 puntos at 11 rebounds at 11 puntos at 17 boards, at ang Giants ay nanalo sa ikalimang pagkakataon matapos ang anim na laro.

Nagpasabog ng 20-6 run ang tropa ni coach Stevenson Tiu sa fourth quarter at pinagningas
nila ito sa pamamagitan ng 9-0 panimulang run upang bigyan ng 64-54 bentahe ang Giants.

“Nag-releax ang mga players. But what is important is we got the win,” pahayag ni Tiu.

Tinapos naman ng Derulo Accelero ang anim na sunod na pagkatalo nang hiyain ang Air21-Arellano University, 82-75, sa isa pang laro.

Read more...