Ryzza Mae binayaran nina Vic at Kris ng bonggang talent fee sa ‘Little Bossings’

RYZZA MAE DIZON

Basta late na kaming umaalis ng bahay, we always see to it na masilip ang The Ryzza Mae Show sa GMA 7.

Nakakaadik kasing panoorin ang napakabibong si Ryzza na kahit pa ang mga gaya nina Alice Dixson o Jose Mari Chan ang kanyang bisita at kabatuhan ng punchlines eh, napakanatural pa rin ng bagets.

Aliw na aliw kami nu’ng mag-paint sila ni Alice ng mangga na nung mabuo ay tinawag nitong “langka” dahil mas mukhang langka daw ito pero sa tindi ng pakiusap nitong bilhin yun ng mayroong pera na itutulong nila sa Yolanda victims, eh balitang agad-agad itong nabenta that same day.

Kahit kami ay type namin sanang bilhin yun kapatid na Ervin dahil bukod sa sila ni Alice ang pumirma du’n, eh kyut na kyut kami sa mga strokes at kuwentuhan nila while painting.

Tapos napanood din namin yung guesting ni Jose Mari Chan na talagang nabiru-biro ng bagets pa ni Ryzza na napaka-natural sa mga reaksyon nito. Aliw na aliw din ang magaling na singer at nangako pa itong magsusulat siya ng song for her.

Hindi na nga maabot ang dating Little Miss Philippines dahil sa darating na MMFF ay todo-todo na ito sa pag-iimbita sa movie nilang “My Little Bossings” showing on Dec. 25, kasama sina Bimby at bossing Vic Sotto. Balitang well-paid ang bagets sa movie kaya naman mas magiging meaningful ang Pasko ng kanilang pamilya. Kung dati daw ay pancit at lugaw lang ang alam niyang kainin pag Pasko, ngayon daw ay keri na niyang magpakain ng hamon at iba pang bonggang handa.

Read more...