Anti-dynasty bill malabong pumasa

KAMAKAILAN ay umagaw ng atensyon ang pagpasa ng anti-dynasty bill sa House committee on suffrage and electoral reforms.
At kung sakaling maging batas nga ito, maraming pangalan sa pulitika ang mabubura dahil isa na lang sa magkakadugo ang maaaring tumakbo at maupo sa pwesto.

Bawal na ang mag-ama, mag-asawa, magkapatid at maging ang magkapatid sa labas ay hindi na pwededng tumabo nang sabay-sabay.

Parang ang sarap isipin pag na-abolish na ang political dynasty sa ating sistema. Ang tanong, magkatotoo naman kaya ito?

Sino ba ang maga-a-aprub nito kundi sila-sila rin naman.

Sa Senado, meron tayong magkapatid, meron ding magkapatid sa labas. Muntik ding magkaroon ng mag-ama. Dati ay mayroong mag-ina.

Maraming ganito sa local government.

Merong mayor na ang asawa ang vice mayor, meron ding mayor na may anak sa city o municipal council. Merong mayor na ang anak ay kongresista naman ang ama. Meron ding senador na may nanay na mayor at merong gubernador na ang anak ay mayor.

You name it, they have it.

Ang sabi nila, wala itong pinagkaiba sa ibang propesyon. Merong pamilya ng doktor, merong pamilya ng abugado. At sila naman pamilya ng pulitiko.

Kung magiging batas ito at maipatutupad, magugulo ang 2016 elections.

Maraming magrarambulan sa mga babakantehing posisyon ng mga dinastiya.

Kung titignan kasi, maaapektuhan ang mga may balak na tumakbo sa 2016 elections.

Kung tatakbo si Sen. Jinggoy Estrada sa presidential o vice presidential positio, paano na ang posisyon ng tatay niya na mayor ng Maynila? Hindi na siya makakatakbo uli, kung ganon?

Si Sen. Chiz Escudero naman ay maaari ring tumakbo sa mas mataas na puwesto pero paano na ang kanyang ina na kongresista ngayon ng Sorsogon?

Ang namomroblema namang si Sen. Bong Revilla ay mayroong asawa na kongresista ngayon at anak na bise gubernador. Paano na rin?

Si Sen. Alan Peter Cayetano naman ay may asawang mayor ng Taguig City, at ano na rin ang mangyayari sa kapatid niyang si Sen. Pia?

Ang Bise President natin na si Jejomar Binay ay may anak na senador, kongresista at mayor.

Maraming mabuburang pangalan kapag nagkaroon ng anti-dynasty bill. Aasa ka pa bang maipapasa ito ng Kongreso?

Pag nagkataon, sino na lang ang matitira? Si DILG Sec. Mar Roxas?

Wala ng pork barrel. Unconstitutional daw sabi ng Korte Suprema.

Meron pa bang interesadong tumakbo sa pagka-kongresista sa 2016? Lahat ata ay gusto na lang mag-local government.

Read more...