Kahit tapos nang pakasalan ni Freddie Aguilar ang kanyang dalagitang karelas-yon sa relihiyong Islam ay hindi pa rin siya tinatantanan ng mga taong ang pananaw ay pinagsamantalahan niya ang kahinaan ni alias Jovie.
Kinasuhan pa rin siya ng Qualified Seduction ng isang abogado, pati ang mga magulang ng babae ay inasunto rin, dahil pumayag daw ang mga ito na makipagrelasyon si Jovie na isang menor de edad sa makasaysayang singer.
Ilang ulit nang nagpaliwanag si Ka Freddie na wala siyang pinagsamantalahang kahinaan, kusang nahulog ang kalooban sa kanya ng dalagita, hindi rin ito ipinagduldulan sa kanya ng mga magulang ni Jovie para makarelasyon niya.
Madaling intindihin kung saan nagmumula si Ka Freddie. Napakalawak nga namang pagdiskusyunan ang usapin ng pag-ibig, parang paksa rin ‘yun ng relihiyon na walang nananalo, dahil sa bandang dulo ay pare-parehong may tamang punto ang mga nagtatalo-talo.
Nagmahal lang si Ka Freddie. Nagkataon namang minahal din siya ni Jovie. Walang sapilitang namagitan, hindi niloko ng singer ang dalagita, inilantad niya ang kuwento ng kanyang buhay kay Jovie.
Paano nga kaya ang ganu’n? Kusa naman kayong nagmahalan, wala namang lokohang na-magitan sa inyo, pero puwede pa rin kayong asuntuhin nang dahil lang sa nag-ibigan kayo?
Unang-una ay hindi naman kayang ibigay kay Ka Freddie ng mga nakikialam na ‘yun ang kaligayahang naibibigay sa kanya ni Jovie, tanging ang dalagita lang ang may kakayahang iparamdam sa singer ang emosyong kailangan sa kanilang pagmamahalan, bakit nga naman pati ‘yun ay kailangan pang panghimasukan ng ibang tao?
Ang larangan ng pag-ibig ang isa sa pinakamahirap pasuking argumento, walang nananalo du’n, dahil ang nananaig pa rin sa bandang huli ay ang emosyon na nararamdaman ng mga taong sinserong nagmamahalan.Sa totoo lang.
( Photo credit to INS )