Greta handa nang tumestigo laban kay Claudine


DESIDIDO si Gretchen Barretto na idiin ang sisteraka niyang si Claudine sa mga kasong kinasasangkutan nila ng  asawang si Raymart Santiago.

Ayon kay Greta, handang-handa siyang humarap sa korte bilang testigo ni Raymart laban kay Claudine dahil wala siyang kinatatakutan.

Ang tinutukoy ni Gretchen ay ang kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violation Against Women and their Children Act na isinampa ni Claudine laban kay Raymart.

Isa si Greta sa mga nakipagtulungan para ipagtanggol ang Kapuso actor sa mga akusasyon ng kanyang kapatid. Bukod dito, nakalakip din sa counter-affidavit ni Raymart ang mga testimonya ng nina Marjorie at JJ Barretto.

“I have no fear because the truth has unfolded. I have nothing to say anymore… andiyan na,” ang diretsong pahayag ni Gretchen nang mainterbyu ng ABS-CBN.

Nakauwi na sa Pilipinas ang aktres matapos ang ilang linggong bakasyon sa London, sinamahan kasi niya roon ang anak na si Dominique Cojuangco kung saan ito nag-aaral ngayon.

Sa tanong kung kumusta na siya pagkatapos ng matinding sagutan nila ni Claudine at ng kanyang mga magulang na nagtakwil na sa kanya, sagot ni Greta, “Huwag na… kasi bubuksan pa natin.”

Inamin niya na hanggang ngayon ay hindi pa niya masabi kung naka-move on na siya sa pagkawasak na pamilya nila, “I can’t say nag-heal, so I can’t deny na masakit kung sa masakit, nakakagulo.”

Sa naging statement ni Greta, tiyak na hindi na naman ito palalampasin ni Claudine, knowing her sister, hindi ‘yan patatalo sa kanyang kapatid na halos isumpa na niya sa sobrang galit.

Samantala, si Gretchen nga ang ipinalit ng Star Cinema sa pelikulang pagsasamahan sana uli nina Dawn Zulueta at Richard Gomez. Siya na ang gaganap sa role ni Dawn sa movie kasama sina Jessy Mendiola at John Lloyd Cruz.

Sa interview ng TV Patrol, inamin ni Gretchen na excited na siyang makasama muli si Goma sa pelikula, crush daw kasi niya ang mister ni Lucy Torres noon pa.

“Sino ba namang hindi nagka-crush kay Goma? Kaya lang, hindi naman siya nagka-crush sa akin,” natawang chika  nito.
Excited din daw si Gretchen na makasama si John Lloyd, “Well, magaling siya, titigan mo lang, e…wala na,” sabay tawa ng aktres.

( Photo credit to Google )

Read more...