Buto’t balat na siya…iuwi na natin si Pangulong Digong – Bato

Buto't balat na siya...iuwi na natin si Pangulong Digong – Bato
Bato dela Rosa at Rodrigo Duterte

LALONG sumidhi ang pangangailangan na ibalik na sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ulat na buto’t balat na ito sa kulungan sa The Netherlands.

Ito ang sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos kumpirmahin na pumirma na siya sa resolusyon para maglabas ang Senado ng posisyon kaugnay sa pagpapa-uwi sa dating Pangulo.

Aniya pumirama na rin sa resolusyon sina Sen. Bong Go at Sen. Robin Padilla.

Pinawi din ng senador ang mga pangamba na manganganib ang mga testigo laban kay Duterte kapag pinayagan itong makabalik ng Pilipinas.

Apila ni dela Rosa ikunsidera na 80-anyos na ang dating pangulo at marami na itong sakit.

Napa-ulat na nagbilin si Duterte na i-cremate na lamang siya sa The Netherlands kung hindi rin makaka-uwi sa Pilipinas.

Read more...