House repair program ng SSS

DUMULOG sa Aksyon Line sina Lowel Saguba, ng 243 del Carmen St. Jaro, Leyte, Joseph Diones at Marjohn Azcarraga.
Nagpunta sila dito sa Maynila sakay ng C-130 mula nang masalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Sila po ay nangangailangan ng tulong para sa pagkukumpuni ng nasira nilang bahay.

REPLY: Ang programs kasi ng SSS naka design para sa mga members nito.
Dahil pension fund kami, ibig sabihin ang pondong pumapasok sa SSS in the form of contributions ay galing sa members, natural lang na ito ay pinangangalagaan ng SSS para sa mga pangangailangan ng members.

May programa ang SSS para sa house repair and improvement loan program para sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay ng super typhoon Yolanda subalit eto ay maaari lamang ma avail ng mga miyembro ng SSS.
Maaring pagsabayin ang pag loan para sa calamity relief package at house repair program na may interest lamang na 6% per year sa mga nagbabalak na maipaayos ang kanilang bahay.

Gayunman aside from calamity relief package namin para sa members ng SSS, nagbigay ang SSS, sa pamamagitan ng Social Security Commission ng P250,000 na donation sa relief operations.
Maliban dito mayroon ding personal na donations both in cash and kind ang mga employees ng SSS.

Ms. May Rose DL Francisco
Head, Media Affairs Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!

READ NEXT
Warm up muna
Read more...